Sulat mula kay Irma, ng Barangay Paco, Kidapawan City
Problema:
1. “Nakaipon” na ako ng maraming boyfriend, pero walang nagtagal. Galit na nga ang mga kamag-anak ko sa akin dahil sinisira ko lang daw ang aking buhay. Nagsisikap naman ako para mapanatili ang bawat relasyon at dala ko ang aral sa nakalipas na mga relasyon pero sadyang malas talaga ako. Gayunpaman, meron pa rin naman akong mga manliligaw pero wala muna akong pinipili sa kanila.
2. Gusto kong magbago na at maging istrikto. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, kaya sumulat muna ako sa inyo. Gabayan mo ako. Dalawa ang masugid kong manliligaw, isang isinilang noong January 23, 1989 at isang isinilang noong January 1, 1988. Habang April 20, 1990 ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin? Gusto ko na po kasing magkaroon ng permanenteng karelasyon.
Umaasa,
Irma, ng Barangay Paco, Kidapawan City
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Irma, ayon sa iyong kapalaran, sa susunod na taon 2014 sa buwan din ng Enero mo sagutin ang lalaki. Sa ganyang paraan, matitiyak ang isang masaya, puno ng ligaya at maunlad na pag-aasawa, na nakatakda namang maganap sa taon 2016.