'Nakaipon' ng BF (2) | Bandera

‘Nakaipon’ ng BF (2)

Joseph Greenfield - September 19, 2013 - 01:14 PM

Sulat mula kay Irma, ng Barangay Paco, Kidapawan City
Problema:
1.      “Nakaipon” na ako ng maraming boyfriend, pero walang nagtagal.  Galit na nga ang mga kamag-anak ko sa akin dahil  sinisira ko lang daw ang aking buhay.  Nagsisikap naman ako para mapanatili ang bawat relasyon at dala ko ang aral sa nakalipas na mga relasyon pero sadyang malas talaga ako.  Gayunpaman, meron pa rin naman akong mga manliligaw pero wala muna akong pinipili sa kanila.
2. Gusto kong magbago na at maging istrikto. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, kaya sumulat muna ako sa inyo. Gabayan mo ako. Dalawa ang masugid kong manliligaw, isang isinilang noong  January 23, 1989 at isang isinilang noong January 1, 1988. Habang April 20, 1990 ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin? Gusto ko na po kasing magkaroon ng permanenteng karelasyon.
Umaasa,
Irma, ng Barangay Paco, Kidapawan City
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
  Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa dalawang lalaking masugid mong manliligaw sa kasalukuyan, higit mong ka-compatible ang siyang isinilang noong January 1, 1988. Kung saan, sa sandaling siya ang nakatuluyan mo, tiyak na kayo ay uunlad at habang buhay na yayaman.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing higit mong  ka-compatible ang lalaking may birth date na 14, siya ang dapat mong maging boyfriend at mapangasawa, dahil kapag nagkatuluyan, ang inyong mga birthday ay nagpapakita ng pag-unlat at pagyaman, bukod sa magandang pamilya na itatayo.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling mabigo sa pag-ibig at makamit ang maligaya at panghabambuhay na pagsasama, lagi kang magsusuot at gumamit ng kulay na asul at pula.  Sa nasabing kulay, makakasumpong ka na ng isang mabuti at pang habang buhay na asawa.

Irma, ayon sa iyong kapalaran, sa susunod na taon 2014 sa buwan din ng Enero mo sagutin ang lalaki. Sa ganyang paraan, matitiyak ang isang masaya, puno ng ligaya at maunlad na pag-aasawa, na nakatakda namang maganap sa taon 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending