Christine Bermas shookt sa nangyari kay Kit, nagpaalala sa mga magdyowa: Maling-mali po ang manakit ng partner

Kit Thompson, Ana Jalandoni at Christine Bermas

Kit Thompson, Ana Jalandoni at Christine Bermas

AYAW makialam at makisawsaw ng sexy star na si Christine Bermas sa kinasasangkutang kaso ng dati niyang leading man na si Kit Thompson.

“No comment” agad ang sagot ng dalaga nang matanong tungkol sa umano’y pambubugbog ni Kit sa girlfriend niyang si Ana Jalandoni na isa ring sexy star.

Nagkasama sina Kit at Christine sa sex-drama-suspense movie na “Moonlight Butterfly” na idinirek ni Joel Lamangan at napapanood ngayon sa streaming platform na Vivamax.

“Well, no comment po ako diyan,” ang maiksing tugon ni Christine sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang Vivamax movie na “Island of Desire” na idinirek din ni Joel Lamangan.

Pero ayon kay Christine, na-shock din siya nang mabalitaan ang nangyari kay Kit, “Nagulat po ako pero hindi ko naman po alam kung ano talaga ang mga nangyari kaya wala po akong masasabi.”

Narito naman ang pahayag ni Christine tungkol sa violence against women, “Kahit saang aspeto po natin tingnan, maling-mali po yung manakit ng partner – yung boy na saktan mo yung girlfriend mo o yung girl na saktan mo ang boyfriend mo.

“And yes, kahit animang reason ng pinag-awayan n’yo or what, or something, dapat iniisip mong mabuti bago ka gumawa ng kung anuman yung naisip mong gawin. Dapat nandoon pa rin yung respect sa mga babae.

“Yes, nagkakamali rin naman kami pero may reason din, but not at all naman. Dapat alamin muna natin yung ginagawa natin kung tama bago natin siya gawin.


“And very, very wrong talaga yung manakit. If you really love someone you will never ever do na saktan siya,” mariin pa niyang paliwanag.

Samantala, hiningan din ng reaksyon tungkol dito ang co-stars ni Christine sa “Island of Desire” na sina Rash Flores at Sean de Guzman pati na si Direk Joel.

Sagot ni Rash, “Bilang isang lalaki ay maling-mali na saktan mo ang isang babae. Kahit anumang ginawa ng isang babae hindi natin sila kailangang saktan kasi biruin mo ang laki-laki natin tapos ang katawan ng babae ay napakalambot.  Para sa akin kahit ano pang gawin ng isang babae hindi natin kailangang saktan.”

Ito naman ang paniniwala ni Sean, “Napakasama po ng ganu’ng gawain na saktan mo yung mga babae na walang kalaban-laban. Sana matigil na yung ganu’n.”

Para naman kay Direk Joel, “Hindi lamang ang babae ang dapat pinagpipiyestahan. May babae ding nagba-violent sa lalaki. Kanino ba dapat maawa, sa babae o lalaki?

“Nakakalimutan nating na may mga lalaki ring sinasaktan-saktan din ng mga babae. Meron ding mga ganung kaso. Anumang klase ng violence ay dapat ipagbawal,” diin p ng award-winning veteran director.


https://bandera.inquirer.net/302250/baguhang-sexy-star-proud-na-umaming-naging-kasambahay-nagtinda-rin-ng-mga-kakanin

https://bandera.inquirer.net/293444/kit-albie-bibinyagan-si-christine-bermas-sa-sex-drama-spy-thriller-na-moonlight-butterfly

https://bandera.inquirer.net/281723/diego-nakikita-na-ang-sarili-bilang-asawa-ni-barbie-kasama-ang-kanilang-mga-anak

Read more...