Julie Anne nililigawan na nga ba ni Rayver? ‘Mas okay siguro kung siya na lang po ang tanungin n’yo’

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

IWAS na iwas pa rin ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa mga tanong kung may relasyon na ba sila ng Kapuso actor-TV host na si Rayver Cruz.

Natanong ang dalaga sa mediacon ng “Stronger Together: GMA Pinoy TV at Expo 2020 Dubai” nitong nagdaang March kung nasaang level na ang “special friendship” nila ni Rayver.

Marami kasi ang nagsasabi na parang may “something” na nga sa pagitan ng dalawang Kapuso stars at mukhang naghihintay lang sila ng tamang panahon para ibandera ito sa publiko.

“Ano po, we really enjoy each other’s company, and yun, happy lang naman po.

“All good things, and we’ve always been close and really best friends and, yeah, we’re just happy to be around each other’s company,” tugon ng aktres, singer at TV host.

Sundot na tanong kay Julie Anne kung “as a friend” lang ba ang pagiging malapit nila sa isa’t isa o mas malalim pa rito ang namamagitan sa kanila.

Isang maikling “We’ll see,” lamang ang naging sagot ni Julie.

Ito naman ang paiwas pa ring sagot ng dalaga nang tanungin kung nanliligaw na ba sa kanya si Rayver, “I think I’m not the right person to answer the question.

“Mas okay na lang ho kung siya na lang po yung tanungin,” dagdag pa ng Kapuso star.
Marami naman ang sumang-ayon nang may magkomentong mukha siyang in love ngayon at super blooming ang aura.

“It’s good to be happy. It’s just nice to be happy. Kasi, yun po ang kailangan natin ngayon.

“And I’m just very happy and really, you know, blessed, kasi there’s a lot to look forward to.

“Maraming mga positive things are coming, and one of those things nga po ‘yung Dubai Expo. Kaya sobrang excited po talaga ako,” pahayag pa ng singer-songwriter.

Halos ganito rin ang pahayag ni Rayver nang matanong kung nag-level up na ang relasyon nila ni Julie Anne.

“Anuman ‘yung sweetness na nakikita nila, lumalabas, dahil ‘yun sa pagka-comfortable namin sa bawat isa. ‘Yung bond na meron kami parang, ewan ko, iba eh.

“What you see is what you get, so kung ano man ‘yung makita nila ‘yun naman ‘yun eh. We’ll see,” dagdag pa ng binata.

https://bandera.inquirer.net/298261/julie-anne-sa-pagkabigo-sa-pag-ibig-bakit-ako-ba-yung-nagkulang-saan-ako-nagkamali

https://bandera.inquirer.net/303702/julie-anne-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-rayver-masaya-naman-maging-masaya-si-lord-ang-nakakaalam-ng-lahat
https://bandera.inquirer.net/308248/rayver-julie-anne-nag-collab-sa-tiktok-video-netizens-kinilig-kayo-na-lang

Read more...