NAPA-THROWBACH ang Kapuso singer-actress na si Sheryl Cruz noong kasagsagan ng kasikatan ng mga members ng youth-oriented variety at talent show na “That’s Entertainment.”
Nabuksan ang nasabing topic tungkol dito nang tanungin si Sheryl sa virtual mediacon ng Kapuso afternoon series na “Prima Donnas 2” kung ano ang masasabi niya sa mga young love teams na katrabaho niya ngayon.
Ang tatlong pambatong tambalan ngayon ng GMA ang bumibida sa season 2 ng “Prima Donnas” — sina
Sofia Pablo at Allen Ansay, Althea Ablan at Bruce Roeland, at ang love triangle nina Jillian Ward, Will Ashley at Bruce Crisostomo.
Sa kuwento ng serye, gumaganap naman si Sheryl bilang si Bethany, ang bagong kontrabida sa istorya na pumalit kay Kendra na ginampanan naman ni Aiko Melendez.
“It’s nice to be part of an established show and I want to thank them all for welcoming me very warmly.
“I enjoyed everyone’s company in our lock in taping and I had fun with Chanda Romero, Katrina Halili, Wendell Ramos as well as all the teen members of the cast,” chika ni Sheryl.
At dito nga niya nabanggit na kapag napapanood niya ang mga Kapuso loveteam ay naaalala niya ang ka-love team niya noong si Romnick Sarmenta.
“We’re part of the love teams then sa ‘That’s Entertainment’ that included Manilyn Reynes and Janno Gibbs, Kristina Paner and Cris Villanueva and Lotlot de Leon and Ramon Christopher,” pag-alala ni Sheryl.
Aniya pa, “I remember our fans then rooting for us tuwing may show kami. Bawat love team, may sariling group of fans at kung minsan, nag-aaway pa yung iba.
“Nag-e-effort talaga sila and they go to our live shows sa Broadway Centrum, then they visit us in our shootings and out ot town provincial shows.
“Sinusundan nila kami at sinasabitan nila kami ng garlands and garlands of sampaguitas while we are performing on stage. Nakakatuwang mag-throwback,” kuwento ng aktres.
Ibang-iba na raw ngayon ang takbo ng showbiz, “Ngayon kasi, they follow their favorite stars na lang on youtube, or on Instagram or Facebook. Lalo na nang nagka-pandemic, bawal na ang face to face contact kaya bawal ang fans day at magpa-selfie.
“You can just communicate with your idols online sa sariling accounts nila. Even the fans based abroad can say hello to you and send you their messages,” sabi pa ng aktres.
Papuri pa niya sa mga bagets na katrabaho niya sa book 2 ng “Prima Donnas”, “Naku, lahat sila, nakakatuwa. It brings back memories of my own teen years. May kanya-kanya na rin silang loyal fans who watch them on Tiktok and their other social media accounts.
“Bawat love team naman, may kanya-kanya silang katangian why their fans support them,” dagdag pa niyang chika.
Ito naman ang maipapayo niya sa mga youngstars ng GMA, “I look at them na para ko na rin silang mga anak, like own daughter Ashley. I wish they’d all succeed in their careers.
“Basta they should bear in mind to always love what they are doing. Yun ang pinaka-importante. Mahalin mo yung trabaho mo, always know your priorities, be professional, and your job will love you back.”
“Napakagandang break ang ibinibigay sa kanila as a Kapuso at dapat lang huwag nila itong aksayahin. Most of them, started as a child star, just like me.
“If they want to stay on top for a long time, they should continuously hone their craft, be respectful of their co-workers. at never na lumaki ang ulo.
“Sa dami ng gustong mag-showbiz ngayon, napakadali nang palitan ng sinumang mag-iinarte sa career niya,” paalala pa ni Sheryl.
https://bandera.inquirer.net/302713/hugot-ni-sheryl-cruz-hindi-ako-mahilig-sa-iskandalo-ang-focus-ko-ngayon-ay-trabaho
https://bandera.inquirer.net/279705/jeric-na-in-love-na-nga-ba-kay-sheryl-kelvin-pinarangalang-fast-emerging-actor-of-the-millennium
https://bandera.inquirer.net/289345/sheryl-jeric-lantad-na-ang-relasyon-kahit-18-taon-ang-agwat-ng-edad-aprub-sa-mga-fans