Maggie Wilson, Tim Connor ayaw tantanan ng mga ‘Marites’

Maggie Wilson, Tim Connor ayaw tantanan ng mga 'Marites'

ILANG beses nang ipinapaliwanag ng business partner ni Maggie Wilson na si Timothy Connor na walang cheating na naganap sa magandang relasyon nila ng dating beauty queen pero may mga mababasang komento pa rin sa kani-kanilang Instagram account na hindi maganda.

Magkasama ngayon ang dalawa with some associates sa Bangkok, Thailand para sa itinayong negosyo na ayon sa mga nakakita roon ay patapos na ang kanilang building na ipinagagawa.

Hindi nakaka-intindi ng Tagalog si Tim pero alam na niya ang terminong “Marites” na tawag sa mga tsismosa dito sa Pilipinas.

Naaliw kami caption sa pinost niyang larawan habang nakaupo sa gilid ng swimming pool.

“The look I give when I hear of another Marites.”

Sinagot ito ni Maggie ng emoji na shocking eyes at face with tears of joy.

Sagot ni Timothy, “@wilsonmaggie it seems [you are] the flavour of the month for Maritesses and trolls (emoji funny face).”

 

 

Sagot naman ng dating TV host, “@timmyconnn it’s been monthssssss, at least I feel popular!”

Komento rin ni @llyvivincent, “@wilsonmaggie sadya ah.. he knows what “Maritess means here” damo na diri sa Pinas.”

May komento rin ang kapatid ni Maggie na si @iambethwilson, “Yes naman alam na kung ano ang Marites (emoji funny face).

At mukhang tinuturuan na nga ni Maggie ng tagalog si Timothy dahil naintindihan niya ang sabi ng kapatid niya.

Ganting sagot ni @timmyconnn, “@iambethwilson if it was a name it would be the most popular in the Philippines.”

Say din ni @lilychang27, “hahahaha LOL ‘marites’ getting to be more pinoy by the day @wilsonmaggie.”

Inamin ni @timmyconnn, “@lilychang27 learnt the most important words first.”

At komento rin ni @sobrevillarowena, “Marites is life in the Philippines @timmyconnn!”

Naintriga tuloy kami, sino nga ba ang ‘Marites’ na tinutukoy nitong si Timothy dahil hindi sila tinatantanan ni Maggie?

Related Chika:
Netizens kinilig sa larawan nina Maggie Wilson at Tim Connor: Relationship reveal?
Maggie Wilson, Tim Connor dineny ang pagkakaroon ng ‘affair’

Read more...