Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!

Pokwang hinamon ang mga anti-Leni Robredo

Pokwang

PALABAN at “beast mode” ngayon ang Kapuso comedienne na si Pokwang matapos pagbantaan ng mga netizens na kontra sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Sinupalpal ng komedyana ang kanyang mga social media followers na walang tigil na nambabastos at nanghaharas sa kanya at sa iba pang artistang certified “kakampinks.”

Tila napuno na si Pokey sa pananakot at pambabatikos ng mga ayaw kay VP Leni at sa
sa running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa pamamagitan ng Twitter, naglabas na ng saloobin si Pokey laban sa mga bumabanat at nanghaharas sa tulad niyang “kakampink” sa social media.

“Bakit kapag kaming mga #Kakampink na artista nag post ng suporta kay #LeniKiko sa IG, FB at Twitter ang daming mga nag-mamaasim na suporter ng kabila?” ang tweet ni Pokwang.

Dagdag pa niyang payo sa mga anti-Leni, “Bakit di nyo na lang suportahan mga kapwa ko artista na kaalyado n’yo kesa i-bash nyo kami? They need your support too!”


Sinagot din ni Pokwang ang mga netizens ngayong araw na nagbabantang ia-unfollow siya sa social media.

“Gusto ko lang malaman nyong mga nagbabanta mag-unfollow sa ‘kin, go ahead. ‘Di po ako takot mawalan ng followers!

“Takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa ‘king mga anak at magiging apo,” mariin pa niyang sabi.

Kamakailan, ibinandera ni Pokwang sa socmed ang pagiging kakampink pati na ang iba pang miyembro ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsusuot ng pink na facemask.

Bukod sa komedyana, kakampink din ang iba pang big stars sa local showbiz tulad nina Megastar Sharon Cuneta, Angel Locsin, Kris Aquino, Gary Valenciano, Jolina Magdangal, Donny Pangilinan, Ben&Ben, Ely Buendia at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/308193/angel-hinamon-ang-mga-anti-leni-na-maglabas-ng-ebidensya-sa-isyu-ng-bayaran-knock-knock-ni-kyla-bentang-benta

https://bandera.inquirer.net/291472/pokwang-tinulungan-ni-kris-noong-mawalan-ng-trabaho-sa-abs-cbn

https://bandera.inquirer.net/284455/ilang-taga-abs-cbn-na-shock-sa-ending-mode-hugot-ni-angel-sa-probinsyano

Read more...