#Ouch! Kris nilaglag si Herbert; napa-aray sa sinabi ni Angel tungkol sa pakikipagrelasyon

Angel Locsin at Kris Aquino present sa campaign rally ni Leni Robredo

Angel Locsin at Kris Aquino

MULING pinatutsadahan ni Kris Aquino ang ex-boyfriend niyang si Herbert Bautista nang pumagitna sa stage ng campaign rally ni presidential candidate Leni Robredo na ginanap sa Capas, Tarlac.

Nakahanap ng chance ang TV host-actress na patamaan uli si Bistek tungkol sa naging relasyon nila noon nang sabay silang magsalita ni Angel Locsin sa pangangampanya ni Vice President Robredo.

Sa kanyang speech, ikinumpara ni Angel ang mga tagasuporta VP Leni sa isang karelasyon na laging maaasahan sa oras ng pangangailangan.

“Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas. Kasi yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba?

“Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandiyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang,” chika ng Kapamilya actress.

Sa puntong ito, biglang sumingit si Kris, “Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan. Aray. Ouch.”

Sagot naman ni Angel sa kanya, “Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni.”
Sey uli ni Tetay, “Hindi, yung sinabi mo na may karelasyon.”


Hirit ni Angel sa TV host, “Nandito ba siya?” Na mabilis na sinagot ni Kris ng, “Yung isa nasa Uniteam (nina Bongbong Marcos at Sara Duterte), yung ex.”

Walang pangalang binanggit si Kris pero alam naman ng lahat na ang tanging ex-dyowa niya na kabilang sa kalabang partido nina Robredo na Uniteam ay ang dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Patuloy na patutsada ni Kris, “O, wag niyo iboto yun, ha. Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako. Deadma please.”

Sabi naman ni Angel, “Ate, pinapakagalitan mo ako diyan, e.”

“Nagbanggit ka kasi ng karelasyon, e. Baka may masabi akong masama tungkol dun sa isa pa,” tugon ni Kris kay Angel.

Matatandaang nagkainitan muli ang dating magkarelasyon nang kwestiyunin ni Kris ang pagbanggit ni Bistek sa kanilang nakaraan sa isa nitong tweet. Nabanggit kasi ng actor-politician ang tungkol sa kanyang “TOTGA” (the one that got away) na “may napili na” itong bagong karelasyon.

Ito yung panahong ibinandera ni Kris na engaged na siya kay kay dating DILG Secretary Mel Sarmiento na naglingkod sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Hindi nagustuhan ni Kris ang sinabi ni Herbert kaya nasabi nito na pagtuunan na lang ng pansin ng aktor ang kanyang “beautiful girlfriend” na tumutukoy naman sa rumored GF nitong si Ruffa Gutierrez.

Nag-sorry naman agad si Herbert kay Kris dahil dito sa pamamagitan ng Twitter noong November, 2021, “Alam kong maaalagaan ka nya, and I can see that you’re happier now.

“Aminado ako, I know I have not been good enough. Still regretting the chance I didn’t take. You deserve better,” mensahe ni Bistek.

Pagsapit naman ng January, 2022 in-announce ni Kris na hiwalay na sila ni Mel Sarmiento.

Samantala, nabanggit din ni Kris sa campaign rally ni Robredo kagabi na tuloy na ang pagtungo niya sa ibang bansa para sa kanyang medical treatment.
https://bandera.inquirer.net/298245/si-ruffa-nga-ba-ang-tinutukoy-ni-kris-na-bagong-dyowa-ni-herbert

https://bandera.inquirer.net/299467/ruffa-sa-height-ni-herbert-half-of-filipino-men-are-shorter-than-me

https://bandera.inquirer.net/298432/wish-ni-lolit-solis-kay-kris-sana-nga-si-mel-sarmiento-na-ang-forever-niya

Read more...