“MAHIRAP talagang maghanap ng totoong kaibigan!” Ito ang pinatotohanan ng magbi-BFF na sina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan at magsister na Gelli at Janice de Belen.
Pero feeling lucky nga ang apat na aktres dahil ilang dekada na rin ang itinatakbo ng kanilang friendship at talagang bibihira lamang ang ganyan sa mundo ng showbiz.
Ayon kay Carmina, “Actually, not only in show business mahirap humanap ng kaibigan. In any industry sa totoong mundo mahirap talagang maghanap ng totoong kaibigan.
“Siguro kasi since we’re just you know, medyo nama-magnify nasa public eye kasi kami kaya parang medyo mas mahirap. Pero parang I believe kahit naman hindi artista, kahit wala sa showbiz world mahirap talagang maghanap ng tunay na kaibigan,” chika pa ng misis ni Zoren Legaspi sa virtual presscon Viva Entertainment para sa podcast nilang “Wala Pa Kaming Title.”
“I’m just very, very, lucky, very thankful na nakahanap ako ng totoong kaibigan sa industry namin. Siguro bakit nag-last yung friendship namin is because of acceptance—acceptance ng bawat ugali ng isa’t isa.
“Siyempre, importante na nagdya-jive talaga kayo, na nagsuswak talaga kayo kasi yon ang pinaka-ano. Kasi minsan, medyo pag may nakilala ka ring tao medyo off na kaagad di ba?
“Itong sa amin talagang umpisa pa lang nag-jive na, and then yon ngang acceptance ng ugali ng isa’t isa na siyempre kasama na yung mga respect, trust at pagmamahal kasi in any relationship naman whether boyfriend-girlfriend, friendship, or mag-asawa importante talaga yung tiwala, pagmamahal at respeto,” dire-diretso pang pahayag ni Mina.
Naikuwento rin ng “Widow’s Web” actress kung paano nag-start ang friendship nila ni Gelli.
“I was only 12 years old noon and she was 14. Nakita niya ako na parang kawawa akong bata sa isang event, nilapitan niya ako and since then palagi na kaming (magkasama).
“Although, that time she was with Viva ako naman Regal at never kaming nakagawa ng movie together, but thank God, siguro sinabi ni God, ‘Naku kayong dalawa kailangang maging best friends kayo.’ At hanggang ngayon magkaibigan pa rin kaming dalawa,” pagbabalik-tanaw ni Carmina.
Patuloy pa niya, “Si Candy naman, nagkasama kami sa movie dati pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging close. Nagkasama kami sa isang show, Tropang Trumpo, and then since then dire-diretso na.
“So ngayon yung relationship namin whether magkita o hindi, mag-text o hindi pero pag nag-usap, nagkita parang kahapon lang. So, I want to believe na tried and tested na talaga yung friendship namin,” lahad ni Carmina.
Ito naman ang sey ni Gelli, “Sa friendship, una sa lahat, you have to be a true friend yourself. I feel na ibinabalik lang nila sa akin nina Candy at Carmina kung ano ang ibiinibigay ko sa kanila, parang ganun yon, eh.
“Hanap ka lang ng totoong tao na gustong mag-share ng sarili niya na totoo. Nagkataon lang talaga na we were blessed that we found each other.
“And totoo rin yung birds of the same feather flock together. So kung ano yung mga interes namin, kung ano yung things that are essential to us, to myself siyempre you are drawn to people likewise, so feeling ko ganun ang nangyayari. And isa pa, lahat kami madaldal so ayan, may podcast na kami,” dagdag pang chika ni Gelli.
“Ang nangyari naman sa akin, parang different ang naging story. Naging close ako first kay Gelli because of Sarah Jane (ginawa nilang pelikula), and then eventually naging close ako kay Carmina,” kuwento naman ni Candy.
Ang “Wala Pa Kaming Title” podcast ay magiging bahagi ng Viva One, ang digital division ng Viva na mapapanood sa Oomph Podcast Network.
https://bandera.inquirer.net/308509/carmina-gelli-janice-candy-solid-na-solid-pa-rin-ang-friendship-lahat-talaga-kami-super-daldal
https://bandera.inquirer.net/284197/gelli-binalikan-ang-laban-nila-ni-ariel-kontra-covid-nakakabaliw-pala-yun
https://bandera.inquirer.net/298119/aj-raval-may-tinatago-nga-bang-anak-sa-publiko