Xian Gaza sa patutsadang mas mayaman sa kanya si Sandro Marcos: Saan galing ang kayamanan?

 Xian Gaza sa patutsadang mas mayaman sa kanya si Sandro Marcos: Saan galing ang kayamanan?

MULI na namang gumagawa ng ingay ang Pambansang Marites na Lalaki na si Christan “Xian” Gaza dahil sa kanyang komento patungkol kay Sandro Marcos.

Nag-trending kasi ang anak ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos itong ikumpara sa aktor at pamangkin ni Sen. Kiko Pangilinan na si Donny Pangilinan.

Sa kanyang Facebook post ay walang kyemeng nagbigay ng pahayag si Xian ukol sa trending post.

“Magmumukhang tomboy na naka-Mio si Sandro Marcos kapag itinabi kay Donny Pangilinan,” saad nito.

Marami ang naaliw sa post ng social media personality na tinawag pang “Jake Zyrus ng Ilocos” ang binata.

Hindi naman niya tinantanan si Sandro dahil sa kanyang mga sumunod na post ay panay si ang binaya at mga maling ginawa ng pamilya nito sa publiko ang kanyang ibinahagi.

“Sabi ng mga fans ni Sandro Marcos sa TikTok eh yung kayamanan ko daw ay galing lamang sa pang-i-scam at ‘di hamak na mas mayaman daw sa akin ang batang Marcos,” umpisa ni Xian.

Aniya, saan nga ba nanggaling ang kayamanang tinatamasa ngayon ni Sandro?

“Ito ang tanong ko sa inyo ngayon, saan ba galing ang kayamanan ni Sandro? ‘Di ba anak siya ni Sen. Bongbong Marcos? Na anak ni Imelda Marcos at Ferdinand Marcos Sr.?

“In short, yung idol niyo na kamukha ni Jake Zyrus ay nakahiga sa multibilyones na kayamanang minana niya mula pa sa kanyang lolo na ninakaw nila mula sa mga Pilipino. Travel muna ko,” pagpapatuloy ni Xian.

 

 

“Si BBM ay hindi magnanakaw, tagapagmana lamang siya ng nakaw na yaman tapos next in line si Sandro na ipapamana rin niya sa kanyang mga anak na 4th Generation Marcos,” sey pa niya.

Matatandaang noong 2018 nang ma-convict ng Malabon court si Xian dahil sa kanyang investment scam.

Naging bukas naman ang social media personality patungkol sa kanyang kinasangkutang isyu.

Samantala, aware naman ang lahat patungkol sa ill-gotten wealth issue ng pamilya Marcos.

Sa katunayan ay noong December 2021 ay nagpadala rin ang Bureau of Internal Revenues ng demand letter sa mga Marcos patungkol sa P203 billion estate tax na hindi pa binabayaran ng mga Marcos.

 

Related Chika:
Donny Pangilinan ikinumpara kay Sandro Marcos, netizens nag-react: Hindi po siya public servant

Read more...