Laiterang basher ‘sunog’ kay Rabiya Mateo: Kesa naman ganyan mukha ko, forever na akong talo!

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

“BEAST mode” ang Kapuso actress at 2020 Miss Universe Philippines n si Rabiya Mateo sa ginawang pagresbak laban sa mga laiterang bashers sa social media.

Talagang binarag ng dalaga ang mga haters na kung anu-anong kanegahan ang pinagpo-post na comments sa isa niyang TikTok video.

Nagbahagi kasi ang girlfriend ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales ng ilang video clips sa TikTok na kuha noong kasagsagan ng pagsali niya sa beauty pageant.

Kabilang na rito ang mga ganap sa ginawa niyang training bago rumampa sa Miss Universe 2020 na ginanap sa Florida, USA noong May, 2021.

Makikita sa video si Rabiya na nakasuot ng pulang bikini habang mina-master ang pinauso niyang “Hala Bira” walk.

Sabi ng Kapuso sa caption, “Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again?” Nilagyan pa niya ito ng mga hashtag na #missuniverse,
#missuniversephilippines at #rabiyamateo.


Kasunod nito, binuweltahan nga ng dalaga ang ilang bashers na nag-iwan ng maaanghang at negatibong komento sa kanyang TikTok post.

Sabi ng isang hater, super effort pa raw si Rabiya pero umabot lang siya sa Top 21 ng Miss Universe 2020 pageant.

Maikli pero tumatagos namang reply ni Rabiya sa kanya, “At least di binabayaran hahahaha!”

May mga nag-suggest pa sa dalaga na mag-join naman siya sa Miss World Philippines o sa Miss Philippines Earth. Pero binasag din ito ng mga bashers.

Isang netizen ang nagsabi kay Rabiya ng, “Wag na talo ka naman e.”

Hindi ito pinalampas ng Pinay beauty queen at sinupalpal talaga siya nang bonggang-bongga. Sagot ni Rabiya, “Hahaha! Talo nga pero ganito naman po yung face ko, panalo pa din. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya nyo, nako forever talo talaga ako nyan hahahaha!”

Nakipagsagutan din ang mga supporters ni Rabiya sa bashers pero pinayuhan sila ng aktres na huwag nang pansinin ang mga ito.

“Yaan mo na mga basher. Habang puro sama ng ugali pinapakita nila tayo umaabante lang sa buhay. Kung sa teleserye, tayo yung bida, sila kontrabida,” ani Rabiya.

Sey naman ni @opeey, “BASHER LANG SILA. QUEEN KA. KAYA LABAN ATE RABIYA!”

Nagpasalamat naman si Rabiya sa lahat ng mga taong nagtatanggol sa kanya at sa mga humihikayat na sumali uli siya sa mga pageant.

“Thank you sa warmest support guys. These were my training videos. Tapos na po laban natin. Time ko naman maging supportive Ate sa next MUPH,” pahayag ng Kapuso star.

In fairness, bukod sa gumagandang showbiz career, maligaya rin ngayon ang buhay pag-ibig ni Rabiya at yan ay dahil sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

https://bandera.inquirer.net/289263/rabiya-mateo-ayaw-na-ayaw-ng-dinuguan-muntik-maputol-ang-dila-dahil-sa

https://bandera.inquirer.net/298363/neil-salvacion-nag-sorry-kay-rabiya-hindi-rin-madali-yung-7-years-na-pinagsamahan-namin
https://bandera.inquirer.net/298218/rabiya-kinarir-ang-pagboboksing-para-sa-pagiging-action-star-game-na-game-magkontrabida

Read more...