Aktres na-bad trip kay sikat na female star dahil sobrang adik sa TikTok: ‘Ayoko na siyang makatrabaho!

Mahulaan n’yo kaya kung sino ang dalawang aktres na ito?

WALA namang masama sa pagti-TikTok kapag walang ginagawa lalo na kung marami kang followers o subscribers dahil ibig sabihin nagugustuhan ang ginagawa mong content.

Pero kung ikaw ay nakakaistorbo na sa ibang tao kapag sila’y nagpapahinga ay parang may mali na rin.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil inirereklamo ng sikat na aktres na walang TikTok account ang ka-share niya sa kwarto na female star na napakaraming followers sa social media lalo na nga sa TikTok.

Sa lock-in shoot ng pelikulang ginawa months ago ng sikat na aktres ay may ka-share siyang aktres din na laging nakabalandra ang pangalan at mukha sa social media dahil sa rami ng content na ginagawa niya.

Naunang na-pack up ang aktres habang ang sikat na aktres ay may mga eksena pang dapat kunan.

At dahil hindi pa oras ng pamamahinga ng aktres kaya gumawa siya ng TikTok challenge na ia-upload niya sa account niya.

Inabot na ng hatinggabi si aktres pero hindi pa rin siya tapos at sakto naman na punasok si sikat na aktres sa kuwarto na pagod na pagod at antok na antok at nagsabing, “what a long day.”

Sa madaling salita hudyat na gusto nang magpahinga ng sikat na aktres kaya naligo na bilang paghahanda sa pamamahinga.

Pero dedma lang ang kasama niyang aktres na panay pa rin ang TikTok na feeling niya ay solo lang siya ang kuwarto. Nagsabi na ang sikat na aktres na matutulog na siya dahil maaga ulit ang call time nila. Pero dedma pa rin ang kasama at nagsabing matatapos na siya.

Pero inabot na ng kalahating oras ay hindi pa rin ito tapos kaya bumangon si sikat na aktres at lumabas ng kuwarto at pagbalik ay bitbit na ang mga gamit at lumipat ng ibang kuwarto.

Walang sorry na narinig sa ka-share na aktres na tila natuwa pa dahil nasolo na niya ang kuwarto.

The following day dedmahan na ang dalawa at nagsabi na ang sikat na aktres sa kanyang manager na ayaw na niyang makasama ang aktres sa project kahit pa magaling ito.

* * *

Isang buwan matapos ang opisyal na pagbubukas ng campaign period sa bansa, sinimulan na ng TV5 at Cignal ang kanilang Bilang Pilipino 2022 Elections Coverage.

Nangunguna sa komprehensibo election coverage ang Presidential series na ginawa in partnership with Go Negosyo, ang Kandidatalks, kung saan makikita ang 10 kandidato sa pagkapangulo na tatalakay sa mga kritikal na isyu sa negosyo, trabaho, at kalusugan.

Si Cheryl Cosim ang moderator ng series na ito na mapapanood sa One PH, 10:30 a.m. at One News, 5:30 p.m.. Mapapanood din ang series sa TV5 tuwing Sabado sa March 26, April 2 at April 9, 9 p.m..

Lumabas sa unang episode ng Kandidatalks sina former Sen. Bongbong Marcos at Atty. Jose Cabrera Montemayor, Jr. nitong March 21, na sinundan nina Sen. Manny Pacquiao at Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Leody de Guzman.

Ngayong araw, March 23 naman haharap sina Sen. Panfilo Lacson at Former National Defense Sec. Norberto Gonzales; Manila City Mayor Francisco Moreno Domagoso at Former Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa March 24; at Vice President Leni Robredo at Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi Founder Faisal Mangondato para sa final episode sa March 25.

https://bandera.inquirer.net/304651/mag-asawang-kilala-sa-showbiz-madalas-nang-mag-away-hindi-na-nagsasama-sa-isang-kuwarto

https://bandera.inquirer.net/294172/male-star-pinrotektahan-pa-rin-ang-ex-gf-na-aktres-kahit-nakipagchurvahan-sa-isang-aktor

https://bandera.inquirer.net/291183/anne-curtis-sarah-geronimo-magbabalik-pelikula-na

 

Read more...