Eleksyon hugot ni Melai kinagiliwan ng netizens: Kapag hindi nagsauli, alam mong magnanakaw ulit! Charot!

Eleksyon hugot ni Melai kinagiliwan ng netizens: Kapag hindi nagsauli, alam mong magnanakaw ulit! Charot!

KALAT ngayon sa social media ang video ng Kapamilya host at isa sa mga “PBB” big winner Melai Cantiveros habang siya ay nagho-host ng PasigLaban Leni-Kiko sortie kasama sina Robi Domingo at Julia Barretto.

Ayon sa TV host-comedienne, ayaw na nito ng mga magnanakaw sa gobyerno.

“Ayaw natin sa magnanakaw. Walang may gusto ng magnanakaw. Kung may record ng pagnanakaw, ekis na agad sa gobyerno,” saad ni Melai.

Dagdag pa nito, “Lalo na ‘pag hindi nagsoli, alam mong magnanakaw ulit. Charot! Char char lang!”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naging pahayag ni Melai.

Marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa kanyang statement at sinabing on point na on point raw ang mga tila bombang binitawan ng Kapamilya TV host.

“Did she lie? Did she stutter?” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “She is spilling facts.”

“I always know you are a person of good sense and ideals,” puri naman ng isa pang Facebook user.

Hirit naman ng isa pa, “Dapat may NBI Clearance na ang pag-submit ng COC, kung may record ng corruption ang angkan ay hindi dapat humawak kahit anong posisyon sa gobyerno kahit local dahil makakaipon lang sila ng perang nanakawin at gagawing puhunan sa mataas na posisyon.”

 

 

Pero hindi rin mawawala ang mga taong taliwas sa sinabi ni Melai kaya naman inanot na naman ng sangkatutak na pambabatikos ang TV host.

Bagamat wala namang binanggit na pangalan si Melai kung sino ang kandidatong tinutukoy niya na may history ng pagnanakaw ay mabilis ang ibang netizen na iugnay ang kanyang pahayag sa isa pang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Saad ng isa, “Masaya ka ba melai na sabihan ang kapwa Pilipino mo na mag nanakaw? Bakit Ganoon na lng kung lait laitin mo ang Marcos? Hindi kataka taka terno nga ang pag mumukha mo sa ugali mo.”

“Ano ba ninakaw syo ha? Baka yong inaakusahan mo mas mayaman pa sayo.. feeling to sikat na e kung maka asta..kung anong face mo ganun din pag uugali mo mahiya ka sa pinaggawa mo..taong bayan makakalaban mo,” comment naman ng isa.

May ilan rin na nag-comment at ikinonekta ang hindi pagkaka-renew ng franchise ng ABS-CBN kung saan nagtatrqbaho si Melai.

“Wow… dahil lang sa prangkisa ng abs cbn, dahil lang sa abs cbn, na hindi nagbabayad ng tax sa matagal na panahon kaya ipinasara.. Makapagsabi ka ng magnanakaw eh wagas, kapal naman ng mukha mo, ang istasyon nyo ang magnanakaw, hindi si bbm, pa-charot charot kpang nlalaman…pwede ba?” matapang na pahayag ng netizen.

Matatandaang matagal nang nilinaw ng ABS-CBN na wala silang utang at malinis ang record nila sa pagbabayad ng buwis na kinumpirma mismo ng BIR.

Sa kabila ng mga pamababatikos na natatanggap ay nananatili namang matibay ang paninindigan ni Melai sa kanyang sinusuportahang kandidato.

Related Chika:
Melai tinawag na bobo dahil kay Leni Robredo; nakipagtalakan sa tagasuporta ni Bongbong Marcos
Melai lucky charm nina Toni at Alex: Sobrang swerte ko na naging friends ko sila!

Read more...