Carmina pigil na pigil ang pag-iyak sa pag-alis ni Zoren: No crying for now, baka mamaya ‘pag sleeping time na

Mavy, Zoren, Carmina at Cassy Legaspi

Mavy, Zoren, Carmina at Cassy Legaspi

PIGIL na pigil ang pag-iyak ng Kapuso actress at TV host na si Carmina Villarroel nang magpaalam na ang asawang si Zoren Legaspi para muling sumabak sa lock-in taping.

Ramdam na ramdam ang pagiging emosyonal ni Carmina sa naging mensahe niya para kay Zoren na mahigit isang buwan ding mawawala para sa lock-in taping ng upcoming GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang “Widows’ Web” star ng ilang litrato at mga video nila ni Zoren kasama ang anak nilang si Mavy.

Aniya sa caption, “No crying for now. Baka mamaya ‘pag sleeping time na. It’s time for tatay @zoren to leave for his lock-in taping for GMA. I’ll see you in May. I miss you already. Arf arf tatay.”

Kasunod nito, nasabi rin ni Carmina na super nami-miss na niya ang anak na si Cassy Legaspi, “Missing my baby girl, too, @cassy. I’ll see you soon.”


Sa isang panayam ng GMA sinabi ng aktres na hindi talaga niya maiwasang maging emosyonal kapag kailangan nang umalis ang kahit sino sa kanilang pamilya para magtrabaho.

“Ako naman every time na nagla-lock-in ako, or nagla-lock-in si Zoren, or si Cassy or si Mavy, I always cry. Given na ‘yan. Unang-una iyakin ako, pangalawa, nanay ako at asawa ako. So, hindi ako sanay na nalalayo sa pamilya ko.

“I’m very family-oriented. We’re really close, e. But I’m starting to embrace this parang new norm natin, sa ngayon. So, wala naman akong choice kung hindi tanggapin ito because it’s still a blessing,” aniya.

In fairness, kahit may pandemic, sunud-sunod pa rin ang mga projects ng Legaspi family. Bukod sa weekly show nilang “Sarap Di Ba?” may kanya-kanya rin silang ginagawang teleserye.

At ngayon nga ay umaani ng papuri si Carmina dahil sa pagiging bida-kontrabida niya sa first-ever suspense serye ng GMA, ang “Widows’ Web”.

Talagang gabi-gabing nagmamarka ang mga eksena niya sa programa bilang si Barbara Sagrado-Dee, na isa sa mga itinuturing na suspek sa pagkamatay ng kapatid niyang si Alexander na ginampanan ni Ryan Eigenmann.

Napapanood ang “Widow’s Web”  Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Ashley Ortega, Pauline Mendoza at Vaness del Moral.

https://bandera.inquirer.net/301394/zoren-ibinuking-si-carmina-nag-aaway-kami-sa-taping-para-akong-anak-niya-na-kailangang-intindihin

https://bandera.inquirer.net/300895/zoren-kakaibang-iyak-ang-ipinakita-sa-the-end-of-us-para-hindi-ako-pagtawanan-ng-kambal

https://bandera.inquirer.net/306812/zoren-carmina-nagkaiyakan-nang-balikan-ang-mabilisan-nilang-wedding-hindi-kami-prepared

Read more...