NAPAIYAK ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang nagkukuwento tungkol sa pagiging “third party” sa hiwalayan ng dating mag-asawang sina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren.
Hindi napigilan ng singer-actress at TV host ang kanyang sarili na maging emosyonal nang mapag-usapan ang pinagdaanan niyang pagsubok nang magdesisyong mahalin at makipagrelasyon kay Ogie ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Sa episode ng “Magandang Buhay” ngayong umaga, naging bukas ang Songbird sa pagkukuwento kung paano niya hinarap at kinaya ang pagiging “third party” sa hiwalayan ni Ogie at ng dati nitong asawang si Michelle.
Nabanggit ni Regine na kahit alam niyang hindi niya ginusto ang mga nangyari sa kanila ni Ogie, totoong may pagsisisi rin siyang naramdaman dahil alam niyang may nga tao silang nasaktan.
“My husband and I started that way, pero ‘yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya. Kasi pwede rin namang mangyari rin talaga ‘yun, eh.
“Hindi mo naman pinipili ‘yung mga mamahalin mo, eh. Parang, gusto ko bang sadyain ‘yun, gusto ko ba na merong masaktan? May mga matitinong tao na hindi naman ‘yun ang iniisip nila. It’s just that, sometimes it happens,” simulang paglalahad ni Regine.
Patuloy pa niya, “Meron sa hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time. I don’t know kasi hindi naman ako kasali doon eh.
“But it happened. But I just have to say, it was so difficult. And if I can bring back the time?
“I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan. Na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together,” dagdag pang kuwento ng Songbird.
Ang mga batang tinutukoy ni Regine ay ang dalawang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah.
Inamin din ni Regine na kahit napatawad na siya ni Michelle at kahit nagkaayos na sila ay nakakaramdam pa rin siya ng guilt dahil sa mga nangyari.
“For a while, I have to say, I had to live with that guilt. Like I was living in that guilt and my husband would say, ‘It was not about you. It was about me and Michelle.’
“But even then, I was there. I was part of it. I was the ‘third party.’ And for a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn’t forgiving myself. And I’m still working on it,” sabi pa ng singer.
Kasunod nito, nagsimula nang maging emosyonal ang singer-actress, “Ayan naiiyak na tuloy ako…you know, every now and then, I would remember what happened to us and I’d still be guilty. So mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao.
“And I’m a decent person and I do not want to hurt anyone. That’s the last thing that I would want in my life. But it happens,” pagbabahagi pa niya.
“I think na I’d already forgiven myself, ‘yung hindi na ako masyadong nagi-guilty. But once in a while I would remember, or kapag may nangyayari doon sa dalawang girls.
“But iniisip ko na lang, hindi na ‘yun ‘yung sitwasyon, eh. Ako na ‘yung asawa niya eh. I’m not outside anymore, I’m his family now. So tina-try kong tanggapin ‘yung sarili ko doon.
“But again, it’s very difficult because the kind of person that I am… I remember things. I don’t like anyone na…kasi very sensitive ako, na ako na lang ‘yung magsasakit-sakitan, kesa masasaktan kita,” lahad pa ni Regine.
Nagbigay din siya ng advice sa mga taong hindi inasahang magiging third party sa isang relasyon, “Doon sa mga nagiging third party, of course we know what’s right and what’s wrong.
“But sometimes, when you are in that situation, pinipili mong ‘wag tingnan ‘yung mali. Pipiliin mo lang kung ano ‘yung nasa puso mo. And it’s very difficult to decide not to be in that situation anymore kasi doon ka masaya, eh.
“But you need to give importance to yourself. You need to love yourself. Lagi mo dapat pipiliin ‘yung sarili mo. Tingin mo na pinipili mo ‘yung sarili mo, that’s why you’re in that situation. But actually no, you’re not choosing yourself when you’re in that situation.
“Before you really make yourself involved with this person, isipin mo muna sa sarili mo kung kaya mo rin panindigan ‘yun. Kasi it’s really very, very difficult to be in that situation,” chika pa ng wifey ni Ogie.
Mahigit isang dekada nang nagsasama bilang married couple sina Regine at Ogie at biniyayaan ng isang anak, si Nate na 10 years old na ngayon.
Maligaya na rin ngayon si Michelle sa kanyang asawang si Mark Morrow. Ikinasal naman sila sa Australia noong 2009.
https://bandera.inquirer.net/290385/ogie-umamin-kay-regine-nagselos-kina-piolo-at-robin-na-insecure-ang-lolo-mo-tsaka-ang-popogi-e
https://bandera.inquirer.net/291470/regine-umiiyak-habang-minamasahe-ni-ogie-im-so-so-so-in-love-with-my-husband
https://bandera.inquirer.net/305417/regine-velasquez-nagpaka-marites-na-naman-kyle-echarri-damay-rin