DJ-composer mula sa Samar ibinandera kung paano nabuo ang viral song na ‘Paro Paro G’

Sandy Oliverio

Sandy Oliverio

KNOWS n’yo na ba kung paano nabuo ang sikat na sikat na ngayong “Paro Paro G” na isinulat ng DJ mula sa Northern Samar na si Sandy Oliverio?

Hit na hit pa rin sa mga Pinoy ang nasabing kanta na sumikat at nag-viral nang i-post ng composer nitong si DJ Sandy sa kanyang TikTok account.

Hindi lang mga ordinaryong Pinoy ang kumasa sa “Paro Paro G” challenge at gumawa ng sarili nilang video nito kundi maging mga sikat na celebrities na nag-post din ng kani-kanilang dance cover ng kanta.

Sa katunayan, habang sinusulat namin ang artikulong ito ay nakakuha na ang original video ng “Paro Paro G” sa TikTok ng mahigit 7.4 million views.

Sa panayam ng GMA 7, nabatid na si Sandy ay isang DJ mula sa Northern Samar. Nagsimula siyang sumikat sa pagdi-disc jockey sa mga fiesta sa iba’t ibang lugar sa kanilang probinsya.

Kuwento ni Sandy sa nasabing interview, napanood daw niya ang  video ni Jose Verano o mas kilala sa social media bilang si Master Seth habang kunwari’y ini-induct o wine-welcome ang ilang kabataan sa “Paro Paro G.”

“Nagsimula po ‘yun nu’ng makita ko si Boss Seth, ‘yung gumawa ng grupong Paro Paro G. Natatawa ako kapag may binabasbasan siya na maging miyembro ng grupo. Tapos naisipan ko paano kaya kapag i-remix ko ito?” lahad ng composer.

At nang mabuo na niya ang kanta, ipinost na niya ito sa kanyang YouTube channel, “Una ko po talaga itong in-upload sa YouTube tapos tinray ko po na i-upload sa TikTok, don na po talaga nagsimula.

“Akala ko po hindi papatok. After five hours po nagsisimula na po talagang umangat. In one day po naka-one million po yata ‘yun (na views),” kuwento pa niya sa isang hiwalay na panayam.

Sey pa ng DJ, bata pa lang ay nagre-remix na siya ng mga kanta, “Matagal na po talaga akong gumagawa ng remix ngayon lang po talaga pumutok. Nagsimula po akong mag-DJ nong 11 years old po ako. Mga 6 years na po ako.”

Narito naman ang mensahe niya sa mga tulad niyang mahilig sa musika at sa pagre-remix mga kanta, “Sa lahat ng may talent, tuloy-tuloy lang po na buhayin ‘yung talent niyo. Tapos darating ‘yung araw iyong talent niyo ang bubuhay sa inyo.”

https://bandera.inquirer.net/291320/dj-chacha-hinamon-ng-ina-ni-heaven-mag-tag-kayo-kung-talagang-matapang-kayo-wag-puro-parinig

https://bandera.inquirer.net/294172/male-star-pinrotektahan-pa-rin-ang-ex-gf-na-aktres-kahit-nakipagchurvahan-sa-isang-aktor
https://bandera.inquirer.net/306900/sana-makita-nyo-si-aljur-kung-paano-ko-siya-nakikita-napakabuti-ng-puso-niya

Read more...