Michelle Dee pinainit ang socmed sa pasabog na sexy photo para sa 2022 Miss Universe PH swimsuit challenge

Michelle Dee

Michelle Dee

PINAINIT ng Kapuso actress na si Michelle Dee ang social media nang bumandera ang kanyang pasabog na swimsuit photo.

Ang nasabing super hot na litrato ang official entry ng dalaga sa 2022 Miss Universe Philippines swimsuit challenge.

Isa si Michelle sa mga kandidatang naglalaban-laban ngayon sa iba’t ibang challenge ng nasabing national pageant para makapasok sa semi-finals.

Kuwento ng Kapuso star, na-achieve niya ang bonggang-bonggang look para sa nasabing challenge dahil na rin sa tulong nina Rhian Ramos at Max Collins.

Hot na hot si Michelle sa kanyang tanned and fit body with her one-piece high-cut pink swimsuit na kuha sa isang beach.


“I’ve always been such a water baby so this was by far one of my favorite challenges. I hope you like what we came up with!” aniya sa caption ng kanyang Instagram post kung saan naka-tag nga sina Rhian, Max at isang Janina Manipol na aniya’y nagsilbing creative directors sa kanyang pictorial.

Inulan ng fire at heart emojis ang IG photo ni Michelle mula sa kanyang fans at followers kabilang na riyan ang kanyang mga kapwa Kapuso stars.

Komento ni Max sa kanyang Miss Universe Philippines 2022 swimsuit challenge entry, “Yass girl.”

Sunud-sunod na fire emojis naman ang ipinost ng Kapuso actress at Miss World 2013 na si Megan Young.

“Goooo Micheellee! I’m right behind you!” sey naman ni Arra San Agustin.

Hanggang ngayong tanghali (12 noon) na lang ang botohan para sa swimsuit challenge sa pamamagitan ng Miss Universe Philippines app.

Magaganap ang Miss Universe Philippines 2022 coronation night sa darating na April 30 sa Mall of Asia Arena in Pasay City.

Si Michelle ay anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez at ng dating aktor na si Derek Dee. Itinanghal siyang Miss World Philippines noong 2019.

Naging representative siya ng Pilipinas sa 2019 Miss World na ginanap sa London, England noong Dec. 14 at umabot hanggang sa Top 12 semifinalist.

https://bandera.inquirer.net/284020/vice-umarkila-ng-private-plane-bumili-ng-branded-swimsuit-para-sa-beach-party-pero-nganga

https://bandera.inquirer.net/280976/anak-ni-ruffa-pinainit-ang-socmed-sa-pasabog-na-bikini-photo-nag-shorts-ka-pa

https://bandera.inquirer.net/287935/basher-basag-kay-geneva-magsusuot-ako-ng-swimsuit-sa-beach-o-sa-bahay-kung-gusto-ko

Read more...