MAY idea na ba kayo kung sino talaga ang killer sa nakakalokang kuwento ng kauna-unahang suspense serye ng GMA 7 na “Widow’s Web?”
In fairness, sa itinatakbo ng istorya ngayon ng pinagbibidahang teleserye nina Carmina Villarroel, Pauline Mendoza, Vaness del Moral at Asheley Ortega, lahat sila ay pwedeng maging suspect sa pagkamatay ng karakter ni Ryan Eigenmann bilang si Alexander Sagrado.
Kaya naman talagang kanya-kanyang hula ang mga manonood kung sino ang tunay na killer na umabot pa nga sa pagpupustahan ng mga loyal viewers ng programa.
At yan ang dahilan kung bakit pataas nang pataas ang rating ng “Widow’s Web” gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Bukod sa exciting at pasabog na kuwento, pinapalakpakan din ng mga Kapuso viewers ang aktingan ng mga bida at kontrabida sa serye. Inaabangan talaga ang mga linyahan at batuhan ng punchlines nina Carmina, Vaness, Ashley at Pauline.
Pero kung kami ang tatanungin, ibang-ibang Carmina Villarroel ang napapanood sa “Widow’s Web” dahil nasanay na nga tayo na palagi siyang bait-baitan sa mga nakaraan niyang teleserye.
“The show is something different kasi most of the characters are not just the usual black or white na puwede agad ma-identify ng viewers kung sino ang mabuti at sino ang masama,” pahayag ni Carmina na gumaganap sa serye bilang Barbara Sagrado.
Aniya pa, “Dito, most characters are gray kaya halos lahat, mapagsususpetsahan na may pansarili nilang motibo to murder Alexander. Pag-iisipin talaga ang viewers in solving the mystery of who the real killer is.”
Chika pa ng TV host-actress, “We’re really happy sa magandang reception ng primetime viewers sa ‘Widow’s Web’. The feedback on the internet is very encouraging dahil nagagandahan sila sa takbo ng story.
“Lahat ay curious malaman kung sino ba talaga ang pumatay kay Alexander pero malayo pa po ang itatakbo ng kuwento, kaya basta huwag kayong bibitiw,” sey pa ng misis ni Zoren Legaspi.
Samantala, as expected, give na give rin si Ashley Ortega sa role niya sa serye as Jackie Sagrado, ang biyuda ni Alexander.
“When the show was first offered to me, I was wondering, kaya ko ba ito? Kasi this is my most mature role to date as the wife of a murder victim na isa sa mapagbibintangan sa mga pumatay sa kanya. But I felt hindi naman puwedeng safe and teeny bopper roles na lang lagi ang gagampanan ko,” aniya pa.
Inamin din ng dalaga na medyo natakot siyang gampanan ang kanyang karakter sa “WW”, “But I felt that I should welcome the challenge as it’s a good opportunity to show that I’ve also matured as an actress in doing delicate dramatic scenes.
“And now, I’m not regretting it at all kasi very favorable ang comments na nababasa ko not only about me but the whole show itself. At higit sa lahat, we are all so proud kasi laging mataas ang rating namin at talo yung mga katapat namin, so that encourages us all the more to give our best,” chika ni Ashley.
Kasama rin sa serye na pinaghihinalaan ding pumatay kay Alexander ay sina Edgar Allan Guzman as Frank Querubin, ang asawa ng karakter ni Pauline Mendoza as Elaine; si Bernard Palanca bilang si William at ang asawa niyang si Vaness del Moral as Hillary.
Napapanood ang “Widow’s Web” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “First Lady”.
https://bandera.inquirer.net/306046/bakit-nag-yes-agad-si-carmina-sa-unang-suspense-serye-ng-gma-7-na-widows-web
https://bandera.inquirer.net/306453/ea-na-challenge-sa-bagong-role-sa-widows-web-kulitan-nina-mikael-at-megan-sa-the-best-ka-pak-na-pak
https://bandera.inquirer.net/308206/vaness-pak-na-pak-ang-ootd-sa-widows-web-kapuso-viewers-kanya-kanyang-hula-kung-sino-ang-tunay-na-killer