SA pagtatapos ng ika-70th edition ng Miss World ngayong araw, ating balikan ang naging journey ng ating pambatong si Tracy Maureen Perez.
Hindi na bago para sa dalaga ang pagsali sa mga beauty pageants dahil bago pa man siya magwagi bilang Miss World Philippines 2021 ay marami na siyang pinagdaanang patimpalak.
Taong 2019 nang unang subukin ni Tracy ang sumali ng Miss World Philippines. Umabot siya hanggang Top 12 ngunit nasawi siya na makuha ang inaasam na korona dahil ang anak ni 1979 Miss International Melanie Marquez na si Michelle Dee ang nagwagi.
Sinubukan rin niyang sumali sa Miss Universe Philippines noong 2020 ngunit umabot lamang siya hanggang semifinals.
Hanggang sa dumating na rin ang tamang pagkakataon para kay Tracy nang magtagumpay siyang masungkit ang korona sa Miss World Philippines 2021 at siyang naging pambato ng Pilipinas sa naganap na Miss World 2021.
Hindi dito nagtatapos ang patuloy na paglaban ng dalaga dahil mas naging mabigat na ang kanyang responsibilidad at mas naging mabigat na ang pressure dahil dala dala na niya ang bandila ng Pilipinas.
Narito ang ilan sa mga pagkakataong pinatunayan ni Tracy na karapat-dapat siyang maging representative ng Pilipinas sa ginanap na Miss World 2021.
Head to Head Challenge
Isa ang Head to Head challenge sa mga fast -track events ng Miss World kung saan ang bawat mananalo ay otomatikong mapapabilang sa Top 30 candidates na maglalaban-laban sa coronation night.
Taas noong nakipagtagisan si Tracy habang kanyang ibinabahagi sa buong mundo ang kanyang mga adbokasiya pati na rin ang iba’t ibang issue na nagaganap sa lipunan.
National Costume
Sino nga ba ang hindi napatigil sa pag-scroll at hindi humanga sa dalaga habang ibinabandera nito ang kanyang National Custome na “Mayari”.
Si Mayari ay ang Goddess of Moon na anak ni Bathala.
Hindi lang buong Pilipinas kundi buong mundo ang humanga sa dalaga dahil sa kanyang napakagandang kasuotan.
Umabot rin ng libo-libong likes at comments ang kanyang larawan sa Instagram kung saan suot-suot niya ang “Mayari” costume.
Beauty With A Purpose
Muling pinatunayan ni Tracy na hindi lang basta basta panlabas na kagandahan ang kanyang ibubuga dahil may puso siya na malapit sa mga nahihirapan.
Patunay na mga ang pagkakapasok niya sa Beauty With a Purpose challenge, isa sa mga fast-track events ng Miss World kung saan nagkaroon siya ng tsansa na ipakita sa mundo ang kanyang adbokasiya para sa mga solo parents na sinisikap ang bawat araw para lamang maka-survive sila sa araw-araw.
Dedicated ang kanyang video entry na may pamagat na “Para Kay Nanay” sa yumaong ina nitong si Chona pati na rin sa lahat ng katulad ng kanyang single mothers na patuloy na nagtatrabaho para masustentuhan ang lahat.
Ngunit sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan at pinatunayan ay mukhang hindi pa ito ang oras para kay Tracy na iuwi ang korona ng Miss World dahil umabot lamang siya hang Top 12 finalist ng patimpalak.
Maraming salamat sa patuloy na paglaban para sa ating bansa! Hindi man ikaw ang nanalo, mananatili sa puso ng bawat Pilipino ang lahat ng iyong ginawa at sinakripisyo para ibandera ang bansa Pilipinas sa buong mundo.
Proud na proud ang buong Pilipino sa ito, Tracy! Mabuhay ka!
Related Chika:
Life story ni Miss World PH 2021 Tracy Perez pang-MMK at #MPK; hindi bet noon ang beauty pageant