ANG ganda ng concept ng weekly series na “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” na pagbibidahan ni Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl na naging tatak na niya simula nang manalo siya bilang Binibining Angono noong 2017.
Ang konsepto ng “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” ay mula kay Chris Cahilig na isinulat ni Joni Mones Fontanos at take note, si Herlene ang unanimous choice ng production.
Sina Chris at Joni plus direk Victor Villanueva ang nagtulong para mabuo ang series na ito at ipinresent nga nila kay Puregold Marketing Manager Ivy Piedad.
Kuwento ni Miss Ivy, “We develop funny shows for people can be entertained hindi masyado kailangang mag-isip, hindi masyado mabigat ang plot twist tapos every time pala nagla-live kami, every time we do any series may pa-ayuda pa ‘yan, so, we were infecting the public differently nagpapasaya (at) tumutulong, so, sa loob ng Puregold store, di ba mababa ‘yung presyo, okay ang mga produkto kumpleto.
“Sa digital world naman, we are very, very happy that we already garnered over 3 million followers and even, we also did subscribers in YouTube for about nearing 50,000 na rin. As our president, Mr. Vincent Co said is simply want to connect with our customers, so gusto namin story telling and combined with modern retailing.
“So, we hope that in this new series this will warm your hearts with kilig and laughter, kung baga sa K-drama di ba mapapa-flatter ang inyong hearts,” aniya pa.
Going back kay Herlene, super thankful siya sa pagdating ng project na ito dahil ito ang una niyang title role simula nang makilala siya bilang Hipon Girl.
“Sobrang saya ko po kasi ito po yung unang-unang serye na bida po ako, binigyan ninyo ako ng chance at kinilabutan ako kasi ang ganda ng pagka-edit. Hindi ko ini-expect na ang ganda nu’ng kalalabasan na acting ko sa tulong n’yo po.
“Kulang po talaga ako sa confidence kaya para sa akin talaga itong ‘Babae sa Likod ng Face Mask’ kasi relate na relate ako kasi hindi naman ako ganu’n ka-fresh at kumakapit lang talaga ako sa facemask simula nu’ng nagka-pandemya.
“Talagang nag-thank you ako, hindi ako magli-lipstick, hindi ako magkikilay dedma ako. Mamamalengke ako ng fresh kasi naka-facemask naman ako kaya relate po ako. Nasa panahon talaga itong istoryang ito,” kuwento ni Herlene.
Sabi pa niya, “May bonus pa, ang guwapo ng ka-partner ko. Napapanaginipan ko nga minsan ‘yan (Kit Thompson). Ha-hahaha! Mga titigan namin ng malapitan ay talagang… first time kong makita in person, dati pinapanood ko lang siya.”
Naloka naman si Kit at sabay sabing, “Naku mag-ingat ka sa sinasabi mo.”
In fairness, kakaiba nga ang beauty ni Hipon Girl kapag naka-face mask kaya siguro ‘yung iba ay hindi talaga nagtatanggal nito habang nasa labas sila ng bahay.
Anyway, kontesera pala si Herlene sa beauty contest simula pa noong elementarya siya kaya naman pala natanong siya sa ginanap na virtual mediacon kung may plano pa rin siyang sumali ulit sa beauty contest at paano niya ito paghahandaan.
“Baka lumaban po tayo nang patas (walang ipaparetoke). Nagte-training na po ako. Hindi po ako magpaparetoke, siguro enhance lang, gluta-gluta lang. Kung kaya ng thread, baka naman may sponsor. Ha-hahaha!
“Ayaw ko rin po magsinungaling kasi gusto ko rin ma-effect ng konti sa thread. Baka kasi kapag gumanda ako magulat sila, charot!” pag-amin ng dalaga.
Inamin din niya na hindi nito iiwanan ang pagte-training as future beauty queen dahil commitment niya ito kahit pa sabihing sikat na siya bilang artista.
“Pinag-aaral din po nila ako ng English kasi hindi po ako marunong mag-English, lahat po pinag-aaral hindi lang sa pageant, para ma-build din ang pagkatao ko rin.
“Kung paano po magsalita, kung paano po makipag-communicate committed po ako para may madagdag sa knowledge ko,” paliwanag pa ni Herlene.
Anyway, kasama rin sina Mickey Ferriols, Kiray Celis, VJ Mendoza, Hasna Cabral and Kit Thompson sa “Ang Babae sa Likod ng Facemask” mula sa direksyon ni Victor Villanueva kasama si Chris Cahilig bilang executive at creative producer at produced ng Puregold. Mapapanood ito simula sa March 26 sa Puregold YouTube channel for 13 weeks.
https://bandera.inquirer.net/304563/herlene-budol-hindi-kumita-sa-mga-naunang-vlogs-nakakalungkot-lang-isipin-kasi-kahit-kani-kanino-ako-nagtiwala
https://bandera.inquirer.net/296773/wish-ni-herlene-budol-tinupad-ni-jak-roberto-makalipas-ang-4-na-taon
https://bandera.inquirer.net/296601/herlene-budol-bawal-pang-makipag-kissing-scene-hindi-pa-ako-masyadong-marunong-mag-toothbrush