HINDI pinalampas ng Kapamilya star na si Angel Locsin ang ilang netizens na kumokontra sa pagsuporta niya at ng iba pang celebrities na sumusuporta kay Vice-President Leni Robredo.
Kung anu-ano kasing malilisyosong salita ang ibinabato sa kanila ng mga anti-Leni kabilang na ang chika na bayad daw ang mga sumusugod sa mga campaign rally ng presidential candidate.
Last Monday, March 14, nag-post si Angel sa Instagram ng mga litrato na kuha sa iba’t ibang lugar na binisita ng Team Leni na may caption na, “Pag-asa #MayTheLastMandStandingBeAWoman.”
Hindi lahat ng followers ni Angel ay sumang-ayon sa kanya dahil marami rin ang nangnega kabilang na ang nagsabing may ipinamigay umanong campaign materials sa mga taong nasa rally na may kalakip na P500.
Comment ng nasabing IG user, “Ung sa ISABELA may card n binibigay, with id and signature with 500 pesos,syempre SA hirap Ng buhay, kukunin mo lng Yung pera, pero Iboto Ang karapat dapat…I have proof, bka sbihin n nman Kasi nila naninira.”
Ito naman ang kalmadong sagot ni Angel sa kanya, “Hi! If you have proof, you may contact #comelec @cnnphilippines @gmanews @abscbnnews @tv5manila to address your concern.
“Let me also tag @lawyersforleni so they can also check your statement thank you,” hirit pa ng aktres na may himig na pagbabanta.
Bukod dito, nag-referee rin ang TV host-actress sa pag-aaway-away ng kanyang mga followers matapos magkomento ang isang netizen na “edited” daw ang photos na kuha sa campaign rallies ni VP Leni.
At dahil nga nag-aaway na ang mga netizens ay pumagitna na si Angel at humingi pa ng pasensiya sa mga anti-Leni dahil sa komento ng kanyang mga tagasuporta dahil baka nadala lang emosyon ang mga ito.
Pakiusap pa ng misis ng film producer na si Neil Arce, “Hindi po tayo dapat maglaban laban.”
Aniya pa sa ginagawang pagsagot ng mga Kakampink sa mga kontra kay VP, “Nandito po kasi kayo sa page na majority ay pro leni kaya may sasagot po talaga kapag may comment kayong hindi tama.”
“Again, pasensiya na po! Hindi po kami masamang tao,” sabi pa ni Angel.
* * *
Bentang-benta ang paandar na “Knock Knock” ng Kapamilya singer at tinaguriang Queen of R&B ng Pilipinas na si Kyla nang mag-perform sa Bacolod City nitong nagdaang weekend.
Talagang pinasaya at pinatawa ni Kyla ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo na dumalo sa campaign rally nito sa Paglaum Stadium sa Bacolod City.
Hiyawan at palakpakan ang mga tao nang iparinig na ni Kyla ang kanyang “Knock Knock Leni”. Isa lamang ang OPM artist sa mga kilalang showbiz personalities na nagbigay-saya sa nasabing campaign rally.
Naroon din sina Sharon Cuneta, Rivermaya, Kuh Ledesma, Mayonnaise, Gracenote, Tippy Dos Santos, Gab Valenciano, Janina Vela, The Company, DJ Joey at Kay Leni Tayo singers na sina Jeli Mateo, Justine Pena, at Nica del Rosario na naghandog ng mga kanta.
Sumuporta rin sa nasabing event sina Edu Manzano, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Nikki Valdez, at Agot Isidro, gayundin si Ogie Diaz kasama ang kanyang tropang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.
In fairness, pak na pak at bentang-benta sa mga Bacolodnons nang pakawalan na ni Kyla ang kanyang baon. Ani Kyla, “knock-knock.” “Who’s there?” tanong ng bayan.
“Leni,” sagot ni Kyla.
“Leni who?” muling tanong ng Bacolodnons.
Birada ni Kyla, “When I found myself in times of trouble mother Leni comes to me speaking words of wisdom let it be. Let Leni Lead, Let Leni Lead, Let Leni Lead, Let Leni Lead. Speaking words of wisdom Let Leni Lead!”
https://bandera.inquirer.net/291388/kyla-umiyak-nang-mapanaginipan-ang-nawalang-baby-i-didnt-see-her-face
https://bandera.inquirer.net/296156/angel-neil-nagpa-squid-game-holloween-party-sa-bahay-who-wants-to-play
https://bandera.inquirer.net/286872/jake-iniipon-ang-talent-fee-para-sa-kinabukasan-ni-ellie-isko-leni-tandem-sa-2022-posible-ba