PALABAN at mukhang wala ring inuurungang laban ang asawa ni presidential candidate Isko Moreno na si Diana Lynn “Dynee” Domagoso.
Game na game niyang sinagot ang mga maiinit at maintrigang tanong sa panayam ng award-winning veteran TV host na si Boy Abunda.
Isa nga sa diretsahang sinagot ng misis ni Isko ay ang palaging komento sa kanyang asawa na tila nagmamadali itong makapasok sa Malacañang gayung napakarami pa niyang panahon para ambisyuning maging Pangulo ng Pilipinas.
“Aba, dapat lang! Lagi nilang sinasabi, ‘Si Isko, nagmamadali.’ Aba, dapat lang. Hindi puwedeng mas mabagal tayo kaysa sa problema. We need someone who can act fast. A man of action, and who can do it the fastest time,” ang sagot ni Dynee.
Sa tanong kung bakit si Isko ang dapat iboto ng mga Filipino sa May 9 elections, “Nangangampanya siya bilang susunod na pangulo with proof, with evidence. Iyong iba, promises and excuses.”
“The way he handled the crisis here in Manila during the pandemic, masasabi ko, kaya niya. Ito ‘yung parang testing kung paano tayo makakakuha ng mabuting leader, kung paano sila rumisponde nitong pandemya,” pahayag pa ng maybahay ng presidential aspirant.
Dagdag pa niya, “We already have proof. Ito na, e. Look around you. Paglabas mo pa lang ng pintuan na ‘to, makikita mo na.
“He’s very proactive. Iyon bang malayo pa lang, nakikita na niya kung paano siya mag-a-adjust… We need a person who can actually deliver, who has ideas. Para sa akin kasi, he’s a visionary, e,” lahad pa niya.
Samantala, ayon naman sa anak ni Isko na si Vincent Patrick Ditan, “My dad is the man for the job. We have the receipts to show first for it. We had an amazing COVID response, which I think he can replicate in the entire country.”
Inalala rin ni Patrick yung araw na sabihin na sa kanila ng ama na tatakbo siya sa pagkapresidente ng bansa, “He sat all of us down, all the kids on the table, including my mom. May announcement siya.
“I wasn’t super shocked because there were a lot of rumors already. When I asked him before, he said no, but I had a feeling he was going to run.
“When he said it, I didn’t think it was real. It took a while for me to settle in. ‘OK, this is actually going to happen.’ When it did, I was concerned for him and his safety, because there is going to be a lot of noise, a lot of criticism. But at the same time I felt proud and supportive of my dad,” pag-amin ni Patrick.
Sa isang bahagi ng panayam, sinabi naman ni Dynee na nakahanda na siya sa magiging pagbabago sa buhay ng kanilang pamilya, “Kung si Isko, magiging presidente, mas lalong mawawalan ng isang magulang, ng presence ang mga anak ko.
“I think I would really have to work double time. Not only that, kailangan ko rin ituloy pangalagaan ang asawa ko. I want to stay as a mother, as a wife,” aniya pa.
At kung papalarin ngang maging First Lady siya ng Pilipinas, nais niyang tumulong sa mga sports program ng bansa bilang isa rin siyang atleta. Isa siyang taekwondo black belter at naging bahagi ng national team.
“Hypothetically, sinasabi na bakit hindi ako tumulong sa gobyerno? I will probably help on sports. Gusto kong tumulong para mas mapaganda ang sports sa Pilipinas. Kasi, we always hear na the government is always expecting for the athletes to get gold medals, pero wala namang ganoong support.
“You reap what you sow. Huwag kang mag-i-expect na marami kang makukuha kung wala ka namang tinatanim,” pahayag pa ng misis ni Isko.
https://bandera.inquirer.net/298856/isko-moreno-sa-pagtatapat-ng-yorme-at-eternals-ng-marvel-malaking-challenge-pero
https://bandera.inquirer.net/285443/joaquin-domagoso-bukas-ang-isip-at-puso-sa-pagpasok-sa-politika-tulad-ni-isko-pero
https://bandera.inquirer.net/290502/karen-kampi-kay-isko-sana-lang-wala-nang-ganitong-pang-iinsulto-porke-kalaban-sa-2022