HINDI napigilan ni Frankie Pangilinan ang mag-react sa viral “kissing scene” ng kanyang mga magulang na sina Sen. Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta.
Nag-post kasi ang vice presidential candidate sa Twitter kamakalawa, March 13, ng mga litrato nila ni Mega na kuha sa ginanap na campaign rally nila ni Vice President Leni Robredo.
Makikita sa isang photo na nakayakap si Sharon kay Kiko habang hinahalikan ito sa pisngi. Para namang nahihiya ang senador sa ginawa ni Mega ngunit makikita sa reaksyon nito ang pagkakilig.
Nilagyan ni Kiko ng caption ang litrato na hango sa pinasikat na kanta ni Sharon na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.” Aniya, “Kailan man, nasaan ma’y ito ang pangarap ko.”
Ni-repost naman ni Frankie ang tweet ng ama sa kanyang Twitter account kahapon, March 14, sabay paalala sa kanyang mga magulang na nasa harapan sila ng napakaraming tao. Ani Frankie, “Get a room.”
Samantala, muling nanawagan ang dalaga sa sambayanang Filipino na matutong magpahalaga sa demokrasya habang papalapit na nang papalapit ang May 9, 2022 elections.
Ani Frankie, “Hopefully these next few months can teach us all a little more about the value of national democracy and public service (which comes in many forms, not just office).”
Hirit pa niya, marami kasing Pinoy na pagkatapos ng eleksyon ay wala na ring pakialam sa mga pulitiko, “Yung medj halata pagtapos ng eleksyon biglaang mawawalan na din sila ng paki sa politiko lol u do not need to devote all ur time and energy to social work but at least care fr.”
Dagdag na mensahe pa ng dalaga, “Thankful every single day, of course, pero nakakapagod talaga to be around people who support movements only when convenient/beneficial for them. nasaan ang prinsipyo? Hay.”
https://bandera.inquirer.net/300709/sharon-emosyonal-sa-b-day-message-kay-frankie-i-feel-so-privileged-to-have-been-chosen-by-god-to-be-your-mother
https://bandera.inquirer.net/298045/kc-concepcion-naka-unfollow-kay-frankie
https://bandera.inquirer.net/286989/netizens-pinuri-ang-mensahe-ng-pamamaalam-ni-frankie-kay-noynoy-aquino