KITANG-KITA ang nakababahalang pagbagsak ng katawan ni Kris Aquino sa bagong litrato na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Ibinalita ng award-winning TV host-actress sa kanyang mga fans at social media followers na nakumpleto na niya ang lahat ng kailangang medical test para makalipad na sa ibang bansa.
Isa kasi ito sa requirement para makaalis siya ng Pilipinas at makapagpagamot abroad dahil sa lumalala niyang health condition dulot ng kanyang autoimmune disease.
Sa latest Instagram post ng Queen of All Media ibinalita niya na finally ay nakabalik na siya sa kanilang bahay kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Dito, makikita nga ang sobrang kapayatan ng TV host-actress. Napakaliit niyang tingnan habang napapagitnaan ng kanyang mga anak.
Ani Kris sa caption ng litrato nilang mag-iina, “Nakauwi na kami…this was our last pic before heading to our temporary, leased home.
“Maghihintay na lang for my bone marrow test results. Super blessed to have the LOVE and concern from these 2 giants, through them binigay ni God so much more than i could ever deserve,” mensahe pa ni Kris gamit ang mga hashtag na #grateful at #family.
Nauna rito, nagbigay nga ng update si Kris tungkol sa kanyang health condition sa pamamagitan din ng Instagram.
Na-diagnose siya ng erosive gastritis at gastric ulcer matapos sumailalim sa iba’t ibang klase ng medical test, kabilang na riyan ang bone marrow aspiration na ginagawa para malaman kung meron siyang blood-related disorder.
Nakasama ni Kris sa kanyang medical examination ang kanyang kaibigan na si Angel Locsin na tinawag pa niyang “stage mother” dahil sa sobrang pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanya pati na sa kanyang mga anak.
Aniya pa, matapos siyang sumailalim sa positron emission tomography (PET) scan, computerized tomography (CT) scan at upper endoscopy, idineklara ng doktor na walang tumor na nakita sa katawan niya.
Ngunit nagkaroon siya ng erosive gastritis at gastric ulcer. At bukod nga sa bone marrow aspiration sumailalim din siya sa electrocardiogram (ECG) at 2D echo tests. At good news nga dahil sinabi ng doctor na maayos ang kundisyon ng kanyang puso.
Naturukan na rin siya ng second dose ng Xolair injection dalawang linggo makalipas ang kanyang unang turok.
Naikuwento rin ni Kris ang nararamdamang sakit sa kanyang lower spine matapos mangayayat nang bonggang-bongga. Ang timbang niya ngayon ay 85 pounds o 38.5 kilos.
“I won’t lie to you, there’s this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help ‘CUSHION’ my bones…
“Kaya EXAG (exaggerated) ang sakit, skin then diretso sa buto. Process and hit or miss para makahanap ng okay na pwesto ‘pag hihiga at kung uupo.
“I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary.
“Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat at patuloy na magdasal,” sey ni Kris.
https://bandera.inquirer.net/302998/kris-aquino-may-medical-emergency-pupunta-sa-amerika-para-magpagamot
https://bandera.inquirer.net/298440/sikat-na-aktres-laging-hinihiya-at-tinatalakan-ng-ka-loveteam-na-young-actor
https://bandera.inquirer.net/300359/mike-enriquez-sasailalim-sa-medical-procedure-kaya-mawawala-muna-sa-gma-7