‘Start-Up’ nina Alden at Bea lelebel sa ‘Descendants of the Sun’ nina Dingdong at Jennylyn

Alden Richards, Bea Alonzo, Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado

Alden Richards, Bea Alonzo, Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado

AMINADO ang mga bossing ng GMA 7 na hindi naging madali para sa kanila ang paghahanap ng perfect material para sa unang teleserye ni Bea Alonzo sa Kapuso network.

Kaya nang makuha nila ang rights para sa Philippine adaptation ng South Korean hit series na “Start-Up”, na-feel nilang ito na ang proyektong saktung-sakto kay Bea at sa leading man niyang si Alden Richards.

Naikuwento ni GMA First Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable sa ilang members ng entertainment media last March 11 sa isang online presscon kung paano napili ang cast ng “Start-Up.”

“Actually, noong papasok si Bea (sa GMA), talagang inisip namin na si Alden talaga ang magiging partner niya for her first project. We really looked for a material na babagay sa kanila.

“Alden has also expressed, including Bea, na gusto nila gumawa ng isang Korean adaptation. We have been looking,” simulang kuwento ng GMA executive.

“And then, parang sabay-sabay siyang nangyari. It was not one thing that happened before the other. We were really looking for material that will be good to adapt after doing the successful ‘Descendants of the Sun.’

“At the same time, we were already talking with Bea and at the same time, we were already thinking of the next project of Alden. The stars aligned kaya nangyari ‘yung Start-Up, kaya nangyari ‘yung Bea-Alden casting para sa Start-Up,” pahayag pa ni Ms. Lilybeth.

Aniya pa, medyo matagal din ang naging proseso ng pagpili nila kung sinu-sino ang makakasama nina Alden at Bea sa serye.

“It was a long, tedious process of arguments between the production, ‘yung writers, ‘yung direktor, kami. May kanya-kanya kasing idea kung sino ‘yung babagay kasi lahat, of course, nakapanaood.

“Ako, personally, I really love the show. So, kapag nag-iisip ka ng cast, gusto mo idikit talaga. At the end of the day, talagang kailangan may consensus kami kung sino ‘yung pinakabagay sa role at bagay din para kay Alden at kay Bea, kung sino ‘yung bagay na kapatid, kung sino ‘yung pinakabagay na mag-portray noong grandmother. All of those things, medyo mahirap,” paliwanag pa niya.

Sabi pa niya, “Of course, palaging may risk na hindi mo masa-satisfy naman lahat ng fans ng show. We’re just hoping that we would be able to do a good job doing the remake in the Filipino way, na mas magugustuhan sana ng audience.

“Gusto naman natin ‘yung mangyari in the same way na noong Descendants of the Sun naman we did not disappoint. Marami rin naman comments noon and even bashing noong lumabas ‘yung Descendants of the Sun. Hindi nila in-expect na ganito, ganyan.


“But when they finally saw it and watched it, tumigil na ‘yung mga reklamo or ‘yung mga bashing because they saw that we really did our best,” dire-diretso pang pahayag ni Miss Lilybeth.

Sa tanong kung feeling ba niya ay magugustuhan ng fans nina Alden at Bea ang Pinoy version ng “Start-Up PH” tulad ng nangyari sa “Descendants of Sun PH” nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, “I think, we really did a good job with this one. I am confident.

“We have that experience backing us up that this will be a good one–another reamake that will be a good one for our Filipino audience,” tugon ng TV executive.

Kung hindi kami nagkakamali, magsisimula na ang lock-in taping ng unang teleserye nina Bea at Alden sa susunod na buwan.

https://bandera.inquirer.net/306185/piolo-umaming-hindi-naliligo-nakahubad-lang-habang-nasa-batangas-farm

https://bandera.inquirer.net/301114/brenda-mage-nag-alala-sa-pamilyang-naapektuhan-ng-bagyong-odette-babalik-na-naman-po-sila-sa-umpisa

https://bandera.inquirer.net/298785/heaven-nagkaroon-ng-instant-science-lesson-sa-kanyang-b-day-post

Read more...