Anak nina Korina at Mar naaksidente sa swimming pool: Mukhang knockout sa kalaban, eh!

Anak ni Korina na si Pepe naaksidente sa swimming pool

Korina Sanchez, Pepe at Pilar Roxas

NAAKSIDENTE ang isa sa kambal na anak ng veteran broadcast journalist at TV host na si Korina Sanchez.

Ibinalita mismo ni Korina ang nangyari kay Pepe sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang litrato ng anak.

Makikita sa IG photo na ipinost ng award-winning news anchor ang bagets na may mga sugat sa kanyang mukha.

Sabi ng celebrity mom, tumama ang mukha ni Pepe sa steps ng kanilang swimming pool habang nagsu-swimming.

“My poor but brave boy Pepe. Mukhang knockout sa kalaban eh? Hindi naman suntukan.

“He bumped his face on the steps of the pool kasi feeling swimmer na talaga sya,” ang caption ni Korina sa litrato ng anak.


Kuwento pa ng host ng “Rated K”, kahit na nasugatan hindi pa rin daw ipinakita o ipinahalata ng anak nila ni Mar Roxas na naaksidente siya sa pool.

“Nothing spaghetti and fried chicken can’t make him forget,” sabi pa ni Korina.

Kamakailan lamang ay nag-celebrate ng kanilang 3rd birthday sina Pepe o Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel Sanchez-Roxas at Pilar o Pilar Judith Celia Ester Korina Sanchez-Roxas.

Produkto ng surrogacy ang kambal at kung gugustuhin pa nina Korina at Mar na bigyan ng kapatid ang dalawa ay pwedeng-pwede pa rin dahil may naka-save pa siyang apat na embryos.

“I love kids. I love children. Bata pa lang ako parang nandoon na ako sa nursery ng Makati Medical Center tumitingin ng mga baby. So mahilig talaga ko sa bata.

“So I said wala pa akong boyfriend, wala pa akong asawa, magpi-freeze ako ng embryo ko,” sabi ni Korina sa isang interview.

Pero sabi ni Korina, hindi pa niya alam kung susundan pa nila ni Mar sina Pepe at Pilar, “I don’t know. Hello no, lola na ako. Pepe and Pilar are already a handful. So I don’t know if I want more but I have four more embryos.”

https://bandera.inquirer.net/283872/rabiya-nalaglag-sa-swimming-pool-habang-nasa-miss-universe-pictorial-video-shoot

https://bandera.inquirer.net/286998/balitang-naaksidente-si-sharon-sa-us-fake-news-hindi-po-totoo-so-please-relax

https://bandera.inquirer.net/305547/pepe-herrera-kering-keri-ang-pagiging-kakambal-ni-piolo-ok-lang-naman-normal

Read more...