NANAWAGAN ang award-winning actress na si Bea Alonzo sa lahat ng netizens, lalo na sa mga bashers na tigilan na sana ang panlalait sa itsura ng kanilang kapwa.
Sa bagong vlog ng dalaga sa YouTube, matapang niyang binasa ang mga mean comments at hate message sa kanya ng mga Twitter users kasabay ng pagbibigay ng reaksyon sa mga ito.
Isang netizen ang nagtanong kay Bea ng, “Isn’t it too late for you to be doing this endorsement? Watching it you’re old to be a model for this commercial may kulubot ka na.”
Ang diretsahang sagot sa kanya ng aktres ay, “Actually alam niyo ngayon it’s about time na tigilan ng mga tao na mag-shame ng mga tao na nagkaka-edad.”
Dagdag pa ng girlfriend ni Dominic Roque, “I’m 34 and I’m about to turn 35 and I’m proud of it and I take care of myself as much as I can, I exercise, I eat healthy and I think proud ako sa itsura ko at 34 years old.
“And kinuha ako ng certain brand that is actually very flattering for me kasi di ko naman pinipilit sarili ko para kunin ako so I’m proud of it,” ang sabi pa ng proud Kapuso star.
Ipinagdiinan pa ni Bea ang kanyang pakiusap sa mga netizens na, “stop shaming people for their age. It’s 2022.”
Samantala, nag-react din si Bea sa komento ng isang netizen sa sinabi niyang palagi na lang siyang nabibigo sa pag-ibig. Anito, “LOL! Baka sayo na may mali.”
Reply ng aktres sa kanya, “Uy sakit naman nun. Alam mo baka tama ka baka may mali sakin kaya nga ngayon tinatama ko mga mali ko.
“Totoo naman meron akong mga mistakes na nagawa in the past and kung ano man mga mali ko before tinatama ko,” sabi pa ng dalaga.
Sa huling bahagi ng vlog, inamin ni Bea na inaasahan na talaga niya ang masasakit na komento mula sa mga netizens pero buti na lang at na-master na niya ang pagiging “dedmadela” (read: dedma mula sa pangalan ni Jed Madela) kaya hindi na siya masyadong naaapektuhan at nasasaktan.
“Through the years natutunan ko na mag-filter siguro for my survival and sanity kasi nasa business kami kung nasaan kahit sino entitled magbigay ng opinyon totoo man o hindi at kadalasan may mga fake news,” lahad pa ng magiging leading ni Alden Richards sa bagong pelikula ng GMA Films.
https://bandera.inquirer.net/292552/reaksyon-ni-ate-vi-nang-isilang-si-luis-bakit-ganito-itsura-parang-malaking-daga
https://bandera.inquirer.net/296591/ruru-madrid-biglang-nagbago-ang-itsura-nagparetoke-nga-ba-ng-ilong
https://bandera.inquirer.net/285943/laiterang-netizen-na-nagsabing-pangit-pala-si-miss-kris-pag-walang-makeup-sinupalpal