Mga bossing ng GMA ayaw makialam sa personal problem ng Kapuso stars; Carla, Tom may kanya-kanyang proyekto

Carla Abellana at Tom Rodriguez

Carla Abellana at Tom Rodriguez

HINDI nakikialam ang mga bossing ng GMA 7 sa personal na buhay ng kanilang mga artista, pero ibang  usapan na kapag naaapektuhan na ang trabaho ng mga ito.

Halatang ingat na ingat ang mga executives ng GMA nang sagutin ang ilang tanong na may konek sa rumored breakup ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Humarap sa ilang members ng entertainment media last Friday, March 11, sina Lilybeth Rasonable (Senior Vice President for Entertainment Group), Joey Abacan (First VP for Program Management Department), at Nessa Valdellon (GMA First VP for Public Affairs) para magbigay ng updates tungkol sa mga susunod nilang proyekto.

Dito nga sila nahingan ng reaksiyon hinggil sa mga kontrobersyal na issue na kinasasangkutan ng ilang Kapuso stars, kabilang na nga ang umano’y paghihiwalay nina Tom at Carla ilang buwan lamang matapos silang ikasal noong October, 2021.

Unang sumagot si Ms. Lilybeth, “Yung personal life, we hope it will work out for them. But you know, that’s their personal life.”


Pero aniya, ang kumpirmado ay may kanya-kanya nang project na gagawin sina Carla at Tom, “Last project nila together was Love of My Life. Tom had a big guest role there.

“So, now, Carla is going to do something else. But that was pre-planned even before they got married. So I don’t think naman it should be a problem.

“There are projects for them, but separately, kasi kakagawa lang nila together, e. Si Carla may gagawin muna siyang malaking guest role for a big TV project bago simulan yung new teleserye na siya ang bida,” sabi pa ng TV executive. May pinaplano na rin daw silang bagong project para kay Tom.

Ayon naman kay Joey Abacan, hindi rin siya nakikialam sa personal na problema ng mga Kapuso stars, “Of course, kung ikaw ang naatasan na para bang, ‘O, nag-aaway yung dalawang artista mo.’

“And they’re supposed to be love teams or mag-asawa sila, maaapektuhan yung show, there are times makikialam at makikialam ka on a personal level.

“Pero sa professional level, we have to be firm, ‘This is going to affect the show.’ And if it’s going to affect the show, I will get affected as well,” sabi pa niya.

“On a personal level, if you ask me, ‘Dapat ba hiwalayan ko na yung asawa ko?’ I will give you my personal advice, ganun, as a friend.

“Pero basta huwag lang maapektuhan yung show, okay ako. That’s how it is.

“Of course, it would be nice if they ask you. Ayaw mo maparatangan na, ‘Ba’t ka ba nakikialam? Di naman ikaw yung asawa, di ba?’ Dapat ingat na ingat ka rin du’n,” paliwanag pa ni Joey Abacan.


Nauna rito, nagsalita na rin ang tatay ni Carla na si Rey PJ Abellana tungkol sa isyu at sinabi nga niya na totoong may pinagdaraanan ngayon ang mag-asawa.

Inamin din niya na isa sa mga naging problema ng Kapuso couple ay ang pakikipag-one-night stand daw ni Tom. Pero aniya, umaasa pa rin siya na magkakaayos pa rin ang mag-asawa pagdating ng tamang panahon.
https://bandera.inquirer.net/280592/tom-gusto-sana-ng-6-na-anak-carla-umapela-pwede-siguro-hanggang-2-kasi

https://bandera.inquirer.net/280301/carla-abellana-tom-rodriguez-engaged-na-last-year-pa

https://bandera.inquirer.net/306337/hugot-ni-diego-always-love-yourself-first-now-i-know-what-i-want-to-do

Read more...