HANGGA’T hindi nagsasalita at nagpapaliwanag sina Carla Abellana at Tom Rodriguez tungkol sa kanilang rumored break-up ay patuloy silang pagpipiyestahan ng publiko.
Ang hot topic ngayon ng netizens sa social media ay ang mga pasabog na rebelasyon ng tatay ni Carla Abellana na si Rey PJ Abellana tungkol sa ilang posibleng rason kung bakit nagalit at nakipaghiwalay ang kanyang anak kay Tom.
Isa na ng riyan ang umano’y pakikipag-one night stand ng aktor. Pero sabi ni PJ sa panayam ni Nanay Cristy Fermin, “Hindi po natin mako-consider na third party, e, ang sitwasyon.
“Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e. So, hindi natin kinu-consider yun na third party. Inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, ako, way back, nangyayari din po ‘yan sa akin. E, medyo normal na ‘yan sa buhay ng mga lalaki.
“Kaya naintindihan ko po ‘yan. E, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan, e, di po ba?
“May kasabihan nga po na ang isang tao, e, mabibilanggo depende po sa bigat ng kanyang kasalanan. Kung mababaw na krimen ay hindi po kinukulong ‘yan. Pero kung mabigat na krimen ang kanyang atraso, e, yun,” sabi pa ng veteran actor.
Sa Facebook account ng BANDERA, marami ang nagkomento tungkol sa isyu ng pambababae ni Tom at tulad ng inaasahan, marami ang kumampi at nakisimpatya kay Carla. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng ating mga ka-BANDERA.
“Pwede Naman nya pakasuhan si Tom Kung may evidence si Carla na nambabae kasi legal wife unless walang sapat na evidence. Dapat actionan para magtanda walang awa2. Hindi nga naawa sayo e. Pag ginawa yan sa akin at may sapat na evidence ako pakulong agad agad.”
“Asawa ko nga nakabuntis ng iba di ko nga nahiwalayan pro kmi pinili nya ng anak namin. so far sa ngayon oke nmn kmi. Happy kmi ngayon sa, awa ne Lord. Pro yung mga artista dyos ko po napakabongga pa ang kasal at malaki pa gastos hiwalayan agad asan na ang knilang pangako sa panginoon.”
“Kakasawa na knilang issue d mtpos tpos taz gingawa p nila ang tao palaisipn kun totoo o hindi..mgulo cla o bk ngppnsin lng ..7 yrs ngsama taz ngpkasal 1 buwN hiwalay agad. niloloko lng mga tao.”
“Parang wedding of the year pa yta kayo, sa tagal ng relasyon niyo d niyo pa nakilala ang isat isa sa inyo? Sayang, ang ganda pa nman nang kasal niyo, dapat inayos niyo muna problema niyo bago e labas sa social media, baka ma patch up pa nman ang gulo niyo.”
“Di man lang kayo nagkaanak bago kayo naghiwalay….ang gaganda siguro at pogi ng anak nyo sakali? Hayst.”
“Wala palang kuwentang lalaki ito eh. Napakaganda ni carla tapos sinayang mo lng sana dimo nlng sya ginulo kong ganyan din trato mo sa kanya ngayong asawa mo na sya haynako carla anuld mo na yan may mas better pa na lalaki na magmamahal saiyo ng tapat.”
“Totoo ba? Sayang naman, sana hindi na lang kayo nagpakasal nakakatuwa pa naman kayo tingnan at para na nga kayo magkamukha ung ilang years n kayo mag bf tapos ganon ganon lang kabilis.”
“D na lang sana kayo nagpakasal, ilang buwan palang Hiwalayan kaagad nyong napagdesisyunan, kung Kailan naman mag asawa na saka pa kayo naghiwalay.”
“Di pa sila ready sa buhay mag asawa . Dumadaan talaga sa mga problema ang mga mag asawa . Dapat ready sila sa ganon at dapat pinag uusapan nila yun kung paano aayusin. Ang bilis naman sumuko.”
“Bad model ang mga yan, dapat kayo sna nag-iilaw sa sambayanan kc nga artista kayo, Pero naging bad influence kayo sa mga tao, akalain mo kakasal lng sila ngaun hiwalayan na agad buti pa ang mga ordinaryong tao may matinong pag iisip.”
https://bandera.inquirer.net/306873/carla-tuloy-ang-pagla-like-sa-pang-ookray-ng-netizens-kay-tom-imposible-na-bang-magbalikan
https://bandera.inquirer.net/280301/carla-abellana-tom-rodriguez-engaged-na-last-year-pa
https://bandera.inquirer.net/295092/carla-nabili-ang-dream-wedding-gown-sa-us-nawala-lahat-ng-stress-at-iniyak-ko-sulit-talaga