Catriona, Sam 1 week magka-date sa Canada; ‘Top Class’ ng Cornerstone aariba na

Sam Milby at Catriona Gray

SA Edmonton, Canada ise-celebrate ni Sam Milby ang kanyang 38th birthday sa May 23 dahil ang last leg nila ng concert nila ng kanyang girlfriend na si Catriona Gray ay sa nasabing lugar magaganap sa May 22.

“This coming May sa Canada kami ni Sam ay may concert po, so, I would really encourage mga kababayan sa Canada tickets are available now, so, if you want to see us in person I know that I’m really excited that I would be able to see you all there,” masayang sabi ni Catriona sa ginanap na “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom” mediacon.

Nakasama niya rito sina Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo at Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo.

Base sa kuwento ni 2018 Miss Universe ay isang linggo silang mananatili ni Sam sa Canada — sa May 20 ay nasa Vancouver, May 21 sa Calgary at May 22 sa Edmonton.

Samantala, kinumusta namin sa dalaga si Sam kung okay na ba siya ngayon dahil nga alam namin ay nagdadalamhati pa rin ang aktor sa pagkawala ng pinakamamahal na ama na si Ginoong Lloyd Milby noong nakaraang taon.

May shoot noon sina Sam at Catriona sa South Africa nang matanggap ng aktor ang balita tungkol sa ama na dali-dali siyang lumipad patungong Ohio, USA kung saan nakatira ang magulang kasama ang inang si Ginang Elsie Lacia.

Kasalukuyang nasa taping ngayon si Sam para sa teleseryeng kasama sina Ivana Alawi, Jameson Blake, Jake Ejercito at Gerald Anderson na may titulong “A Family Affair” mula sa Star Creatives, sa direksyon ni Jerome Pobocan.

Anyway, sabi ni Catriona suportado niya noong nagluluksa si Sam pero hindi nga lang siya nakasunod sa Ohio.

“Yes nasa South Africa kami that time, it was a very difficult thing for him to go through and for the family. 

“I wasn’t able to be there to support in person even if I wanted to go to the US to support, coming from South Africa as a non-citizen it wasn’t even possible, so, I know that it really hit him hard but the good thing is he was able to spent time with his dad, with his family,” malungkot na kuwento ng dalaga.

Going back to “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom”, si Catriona nga ang napiling maging host ng nasabing reality show.

“We believe Catriona is the perfect host for our show. We all know her strength and determination in freaching her goals. 

“She also knows the value of preparation and excellence specially in making a mark in the world stage.  

“Not only will she be able to weave the show together but she will also be able to impart important life lessons to the students and to all our viewers,” paliwanag ni Jeff, VP ng Cornerstone.

Super excited naman si Catriona sa pagkakapili kanya bilang host ng show, “To be the host of this show dahil I love being a part of someone’s journey as they realize their dreams. And Top Class is the first of its kind, developing, and discovering the next P-pop stardom.”

Mapapanood ang thrilling at dramatic new reality series ngayong 2022 sa TV5, Kumu at selected digital platforms.


* * *
                                          
Pasabog ang mga rebelasyon ni Jill (Jodi Sta. Maria)! Naganap na ang pinakainaabangang iskandalong kumprontasyon sa “The Broken Marriage Vow” pagkatapos ibuking ni Jill ang panloloko ng asawa niyang si David (Zanjoe Marudo) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez).

Wala nang makakapigil sa paghihiganti ni Jill dahil isa-isang niyang isiniwalat ang mga sikreto nina David at Lexy. 

Sa harapan mismo ng mga magulang ni Lexy, ini-spluk ni Jill na dalawang taon na ang relasyon nina David at Lexy at nagkaanak sila ngunit sikreto itong ipinalaglag ng dalaga. 

Mainit na pinag-usapan sa social media ang naturang eksena pagkatapos itong pumasok sa top three trending topics sa Twitter Philippines.

“This is more than a promising moment for The Broken Marriage Vow. what an outstanding scene! so wow! Jodi’s acting is superb… she proves to everyone that she is the new drama queen of primetime #TBMVPasabogReveal,” ani @adore_kc sa Twitter.

“Nung inannounce palang itong adaptation na ‘to, this is the scene that I’ve been waiting for. And ABS-CBN didn’t disappoint. Ang galing,” sabi ni @luvPATE.

“Grabeeee ang intense ng episode na ‘to. Never imagined that ABS-CBN would make a superb adaptation of Doctor Foster. I have no words but perfection!,” ayon kay @KingCeasarXIX.

Bago pa nito, aligaga na sina David at Lexy dahil sa paninidak ni Jill. Tuluyan namang nagwala si Lexy at binatukan si Jill habang dismayado at hindi makapaniwala ang mga magulang ni Lexy sa matitinding rebelasyon. 

Paninindigan naman ni Lexy ang pagmamahalan nila ni David, lalo na’t inamin na niyang hindi niya ipinalaglag ang baby nila at hanggang ngayon ay buntis pa siya. Nanaig na rin ang pagtataksil ni David dahil tuluyan na niyang tinalikuran si Jill at piniling umuwi sa piling ni Lexy. 

Kahit durog na durog ang puso ni Jill, umpisa pa lang ito ng kanyang paghihiganti sa panlolokong ginawa sa kanya. Nangako si Jill sa kanyang sarili na hindi na siya magpapaapi sa kahit kanino. Ano ang mga binabalak ni Jill laban kina David at Lexy? Paano ipapaliwanag ni David sa kanyang anak na si Gio (Zaijian Jaranilla) ang pagtataksil niya?

Bukod sa iWantTFC at Viu, nasusubaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m. sa iba pang Kapamilya channels.

https://bandera.inquirer.net/284739/hugot-ni-catriona-ngayong-b-day-ni-sam-so-sad-i-cant-be-with-you-today

https://bandera.inquirer.net/284472/john-lloyd-makakatrabaho-nga-ba-si-willie-sa-bagong-project
https://bandera.inquirer.net/307047/maggie-wilson-may-hugot-na-naman-sa-co-parenting-status-nila-ng-ex-husband-para-sa-anak

Read more...