Coleen sasama kay Billy kapag nanirahan na sa France; puring-puri ang akting sa ‘Adarna Gang’

Billy Crawford, Coleen Garcia at Baby Amari

PINURI si Coleen Garcia kagabi sa naganap na private screening ng pelikulang “Adarna Gang” dahil sa napakahaba niyang monologue na siya mismo ang gumawa.

Biro nga ng direktor ng pelikula na si Jon Red, hindi na raw nabigyan ng credit ang aktres sa script na ginawa niya para sa nasabing eksena.

Kuwento ng direktor, “Usually when I work with actors hinahayaan ko muna, tinitingnan ko muna kung anong gagawin nila. 

“Ang comparison ko riyan is like painting, eh, it’s a blank canvass somebody has to put paint first and then we interact, so, ‘yun tinitingnan ko sa rehearsal, sa first take.

“Like ‘yung kay Coleen improvise pala ‘yung sa mirror lines niya, hindi nakita na-credit sa script ha (baling niya sa aktres). Improv niya ‘yun.  Nagulat siya nu’ng ginawa namin.

“Ang unang tinanong ko sa kanya is ‘aware ka ba sa politics na nangyayari sa atin ngayon tapos sabi niya hindi masyadong updated pero sinabi niya ‘yung stand niya.

“Tapos sabi ko magkakasundo tayo dito kasi ganito ‘yung ideya ko that we use the father as the metaphor then nagbatuhan kami ng lines pero siya (Coleen) ‘yung nag-improvise ng lines,” sabi pa ni Direk.

Abut-abot naman ang pasasalamat ni Coleen sa narinig kay direk Jon at sa mga papuri ng veteran actors na kasama nila sa “Adarna Gang” headed by Ronnie Lazaro, Archie Adamos at Shamaine Buencamino na dumalo rin sa screening.


Inamin din ng aktres na ang mahaba niyang monologue ang pinakanahirapan siyang eksena sa buong pelikula pero nakayanan naman niya.

Samantala, pagkatapos ng screening ay nausisa ng ilang entertainment media ang wifey ni Billy Crawford tungkol sa planong pagtira ng TV host sa France at maiiwan sila ritong mag-ina.

Ang sagot ni Coleen, “It depends…sa date kasi kung walang tatamaan, pero for sure sasama ako, depende kung sabay o susunod ako. For sure kung magtatagal siya roon kasama kami ng baby (Amari).

“Meron na siyang isang sure (show) na one month, kasama kami but we’re praying for other things as well by the end of the year at kung matuloy ‘yun may wedding din kasi ‘yung friend ko, so, baka sumunod na lang ako.

Sa tanong kung anong klaseng tatay si Billy, “Amazing, sobrang patient, sobrang fun and everything I could ask for and hindi niya ako masyadong natutulungan sa gabi kasi wala siyang milk. Ha-hahaha!

“But in all other ways, he really over compensates, yeah, lahat ng tulong na mabibigay niya, binibigay niya talaga,” sabi ng aktres.

Anyway, mapapanood na ang “Adarna Gang” sa Marso 11 sa Vivamax produced ng Viva Films at idinirek ni Jon Red. Bukod kay Coleen, kasama rin sa movie sina Diego Loyzaga, Rob Guinto, Kat Dovey at Aivy Rodriguez.

https://bandera.inquirer.net/284390/coleen-itinuturing-na-blessing-at-hero-si-billy-thank-you-for-being-you

https://bandera.inquirer.net/297022/coleen-may-babala-sa-netizens-patungkol-sa-contractor-na-scammer

https://bandera.inquirer.net/306343/coleen-isinama-ang-anak-sa-lock-in-shoot-hanggang-ngayon-kasi-breastfeeding-pa-rin-ako

Read more...