Bela Padilla: Nate-tense ako kapag may direktor na nagmumura!

JC Santos, Bela Padilla at Zanjoe Marudo

“TRABAHO lang ‘to hindi tayo dapat umaabot na minumura natin yung katrabaho natin.”

Ito ang naging sagot ng Kapamilya actress na si Bela Padilla nang matanong kung siya ba ang tipo ng direktor na nagmumura sa set kapag nagkakamali o paulit-ulit ang take ng kinukunan niyang eksena.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak nga si Bela sa pagdidirek sa pamamagitan ng Vivamax original movie na “366” kung saan siya rin ang bida kasama sina JC Santos at  Zanjoe Marudo.

Sa solo presscon ni Bela para sa kanyang directorial debut ay natanong nga ang aktres kung anong klaseng direktor ba siya – nagagalit at nagmumura din ba siya sa set tulad ng ibang mga direktor?

“Naku, never! Ayoko ng… kahit sa ibang set, nate-tense ako kapag may ibang direktor na nagmumura. Never pa akong namura ng direktor to be fair, never pa akong nasigawan. 

“Ay hindi, baka nasigawan na ako noong baguhan ako, pero yung diretsong ikaw mismo ang mumurahin parang never pa nangyari sa akin yon,” pahayag ng dalaga.

“But I’ve seen it happened and ayaw na ayaw ko yung nangyayari sa artista kapag nasisigawan sila o kahit hindi artista kahit crew or kapag nasigawan, nakikita mo silang mag-close as a person. 

“Once na nag-close ka na, ‘shocks napagalitan ako o pumalpak ako’ hindi ka na creative, eh.

“Kasi parang nasa loob ka na ng shell mo ulit. Also at the end of the day, trabaho lang ‘to hindi tayo dapat umaabot na minumura natin yung katrabaho natin. 

“Kasi kung nasa office tayo right now hindi naman tayo puwedeng magsigawan at hindi ko puwedeng murahin yung secretary ko or kung sinuman yung katabi ko sa office. Hindi naman po normal, so, dapat hindi ginagawa talaga.

“And maraming ways to evoke emotions hindi naman kailangang takutin yung mga tao para umiyak sila,” lahad ni Bela.

Naiintindihan din daw niya kung hindi agad makuha o maibigay ng artista ang hinihinging emosyon at akting sa isang eksena.

“They’re not ready yet, they need more education, need more training. Baka that’s one thing to consider, I hope.


“Kung lagi kang nasisigawan ng direktor mo o namumura baka panahon na para mag-workshop ka or baka dapat mag-consider ka na ng options mo to learn acting, so, hindi ka nasisigawan.

“Definitely that’s a no-no in my set, I don’t entertain that idea of people being bad temperered on my set.

“Yun ang number one rule ko sa set ng 366, bawal ma-bad trip, so, gusto ko good vibes lagi sa set ayaw ko nang nagtataas ng boses. 

“Unang-una kasi ang boses ko hindi ganu’n kalakas pag may ibang nagsisigawan at nagbigay ako ng instruction hindi na nila ako maririnig, so, kung puwede lahat kalma lang tayo, chill na chill lang, so, nagpapatugtog lang kami ng music sa set very malumanay.

“Kung made-describe ko yung set ko, dalagang Filipina yung set ko. And one thing I also love directing kaya nasabi kong mauulit ko siya is I guess watching the whole creation after kong ma-edit, ‘Shocks ito yung sinulat ko, now pelikula na’, gusto kong maramdaman yon ulit,” sabi pa ng actress-director.

Ang kuwento ng “366” ay iikot sa proseso ng pagmu-move on ng isang taong nawalan ng minamahal na aabutin ng 366 days. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa April 22.
https://bandera.inquirer.net/306580/bela-padilla-natupad-ang-pangarap-na-mag-direk-sa-366

https://bandera.inquirer.net/306536/bela-padilla-norman-bay-masayang-nag-celebrate-ng-2nd-anniversary-you-make-my-days-brighter

https://bandera.inquirer.net/284260/janine-umaming-super-fan-ni-bela-napakahusay

Read more...