Nadine Samonte bigla na lang iiyak kapag narinig ang ‘Amazing Grace’: Naaalala ko yung sinabi ng doktor ko noon…

Nadine Samonte, Richard Chua, Heather, Austin at Harmony

KAPAG pinakikinggan ng aktres at celebrity mom na si Nadine Samonte ang kantang “Amazing Grace” ni Chris Tomlin ay hindi niya mapigilan ang pag-iyak.

Ayon sa StarStruck alumna, talagang feel na feel niya ang mensahe ng kanta at tumatagos sa kanyang puso ang bawat lyrics nito.

Sa kanyang Instagram post nitong nagdaang March 5, nagiging emosyonal siya kapag naririnig ang “Amazing Grace” dahil naaalala niya yung araw nang sabihan siya ng kanyang doktor na hindi na siya magkakaroon ng anak.

“Every time kinakanta to sa church I always cry and I remembered nung wala pa ako anak tapos, sabi ng doctor ko na hindi ako magkaka-anak lumuhod tlga ako sa church while pinapatugtog to and grabe iyak ko nun I was 27 years old that time,” simulang pag-alala ng aktres.

Ngunit kabaligtaran nga nito ang nangyari dahil hindi lang isa kundi tatlong anak ang ibinigay sa kanila ng kanyang non-showbiz husband na si Richard Chua — sina Heather Sloane, 5; Austin Titus, 2; at kanilang bunsong si Harmony Saige.

“But now can you imagine i have 3 beautiful kids. Galing lahat to sayo Lord. Binigyn mo ako ng chance , binigyn mo ako ng life na hindi ko ineexpect. Salamat po. Salamat,” sabi pa ni Nadine sa caption ng kanyang IG post.

Sa huli, nagbigay din siya ng advice  sa mga mag-asawa na gustung-gusto nang magkaanak pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating.


“Kaya sa mga gusto magka-baby ‘wag ka mawawalan ng pag-asa. Ibibigay ni Lord sa tamang panahon. Trust the Lord with all your heart,” sabi ng aktres.

Samantala, nagbahagi rin si Nadine ng ilang litrato sa Instagram ng mga naging kaganapan sa selebrasyon ng kanyang 34th birthday last week.

“Thank you for all your warm greetings . This is how I spent my birthday yesterday. I’m so happy just being with them. 

“Thank You Lord for another year, thank You Lord for the gift of family. I love you Richard, Heather, Titus and Harmony,” mensahe pa ng aktres.
https://bandera.inquirer.net/303864/nadine-samonte-pamilya-tagumpay-sa-paglaban-sa-covid-19-grabe-ang-nangyari-sa-amin

https://bandera.inquirer.net/279442/bakit-nga-ba-biglang-iniwan-ni-nadine-samonte-ang-showbiz

https://bandera.inquirer.net/300212/hiling-ng-fans-sa-gma-john-lloyd-bea-dingdong-marian-pagsama-samahin-sa-teleserye

Read more...