Christine Bersola tinuksu-tukso noon ni Mel Tiangco kay Julius Babao: At ayun na nga, nagkatuluyan kami!

Christine Bersola

NAPA-THROWBACK si Christine Bersola-Babao noong mga panahong bahagi pa siya ng “TV Patrol” bilang “Star News” reporter.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Christine nitong nagdaang March 5 ng mga luma niyang litrato para sa selebrasyon ng 35th anniversary ng news program ng ABS-CBN.


Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng asawa ni Julius Babao ang mga photos niya na kuha sa studio ng “TV Patrol” kung saan sinabi niyang super proud siya na naging part siya ng programa mula 1993 hanggang 1996.

Feeling blessed and grateful din siya na makasama sa “TV Patrol” ang mga “broadcasting icons” na sina Noli de Castro at Mel Tiangco.

Isa sa mga ipinost niya sa IG ay ang throwback photo niya hawak ang kanyang makasaysayang pocket mirror na gamit pa rin daw niya hanggang ngayon.

Aniya sa caption, “March 2 was the 35th Anniversary of #TvPatrol. I was the #StarNews anchor in 1993-1996. @90skabaklaan posted this video on IG- behind the scenes before our Newscast.

“It was truly, the good ‘ol days. Imagine, working alongside the Broadcasting Icons: @kabayannolidecastro , (Ninong Noli) , Ka Kiko ( Sir Frankie Evangelista) and Ninang Mel Tiangco. What a privilege indeed!” aniya pa.

Binalikan din niya ang eksena kung saan palagi raw siyang tinutukso ni Mel Tiangco kay Julius kapag humahalili ito kay Kabayan Noli bilang news anchor.

Sey ni Christine, talagang destiny ang pagkikita nila ni Julius dahil taong 2003 ay naganap nga ang kanilang wedding.

“And whenever @juliusbabao would pinch-hit for Kabayan or Ka Kiko, Tita Mel would always tease us: ‘Uy bagay kayo!’ at ayun na nga, nagkatuluyan kami ni Julius!

“Wow! Unforgettable and truly one of the highlights of my Broadcasting career!” pahayag pa niya.

At tungkol nga sa kanyang pocket mirror na ginagamit niya noon sa “TV Patrol”, until now ay buhay na buhay pa rin ito. Ipinakita rin niya ito sa kanyang selfie photo.

“And guess what! That mirror! Salamin, salamin, buhay ka pa din! Amazing that I still have it!! Natuwa lang ako that buhay pa ang mahiwagang mirror!!

“Cheers to #TvPatrol and how it changed the broadcasting and News landscape in the Philippines. #tvpatrol35,” mensahe pa ni Christine.

Sa ngayon, busy si Christine sa paggawa ng mga content para sa kanyang YouTube channel habang bahagi na ng news program ng TV5 na “Frontline Pilipinas” si Julius matapos mag-resign sa ABS-CBN.

Ang mga current anchors naman ng “TV Patrol” ay sina Henry Omaga Diaz, Karen Davila at Bernadette Sembrano.
https://bandera.inquirer.net/299213/christine-julius-negative-sa-cancer-early-detection-is-the-key-praise-god
https://bandera.inquirer.net/301867/julius-babao-nagpaalam-na-sa-abs-cbn-papalitan-daw-si-raffy-tulfo-sa-news-program-ng-tv5

https://bandera.inquirer.net/291842/jeremiah-nanawagan-sa-mga-natatakot-magpabakuna-bagong-gma-primetime-line-up-babandera-na

Read more...