ATENEO, UST magtutuos para sa huling semis slot

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m.  UE vs UP
4 p.m.  Ateneo vs UST

Team Standings: NU (10-4); FEU (10-4); DLSU (10-4); UST (7-6); Ateneo (7-6); UE (6-7); Adamson (4-10); UP (0-13)

MAKUKUMPLETO ngayon ang Final Four cast ng 76th UAAP men’s basketball tournament. Pasok na sa semis ang National University, Far Eastern University at De La Salle University at ang huling silya ng Final Four ay pag-aagawan ng University of Santo Tomas at nagdedepensang kampeong Ateneo.

Parehong may 7-6 kartada ang Tigers at Blue Eagles at ang mananalo sa kanilang sagupaan ngayon ay makakatapat ng Bulldogs sa Final Four.

Bagaman tabla ang tatlong koponan sa ibabaw ng team standings ay nakuha ng NU ang unang puwesto bunga ng mas mataas na quotient.

Ang pangalawang puwesto naman ay paglalabanan ng Tamaraws at Green Archers sa isang playoff game. Sa ganap na ika-4 ng hapon magaganap ang do-or-die game sa pagitan ng Eagles at Tigers na nagtapat sa Finals ng liga noong isang taon.

Tinalo ng Ateneo  ang UST sa unang round ng elims noong Hulyo 27 sa dikitang iskor na 61-57. Pero sa laro ngayon ay hindi makakasama ng Ateneo ang head coach nitong si Bo Perasol na pagsisilbihan ang isang larong suspensyon na ipinataw sa kanya ng liga.

Inaasahang mas magiging dikitan ang laban ngayon dahil ang matatalo  ay malalaglag sa liga kasama ng University of the East, Adamson at ang wala pang panalong University of the Philippines.

Read more...