Maymay kakaririn ang pag-aaral sa Canada: Ang buhay ko po rito ay masayang-masaya!

Maymay Entrata kasama ang non-showbiz boyfriend

DESIDIDO ang Kapamilya young actress-singer na si Maymay Entrata na tuparin ang isa sa matagal niyang pangarap — ang makapagtapos ng pag-aaral.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyong lumipad patungong Canada ang dalaga kamakailan.
Ayon kay Maymay, matagal na niyang plano ang magtungo sa nasabing bansa para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makakuha ng college diploma.

Sa panayam ng Inside News ng Star Magic nagbigay ng update ang actress-singer tungkol sa mga kaganapan sa kanyang life abroad na malayo sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

“Ang buhay ko rito sa Canada ay masayang-masaya. Kasi parang matagal ko na po talagang pinlano na mag-study abroad.

“At alam ‘yan ng nanay ko kahit hindi pa po ako artista. Tapos ayun na nga, nangyari na siya, kaya sobrang masaya po sa pakiramdam,” pahayag ni Maymay.


Bukod sa pagtupad sa natagal na niyang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral, super happy din ang personal life ng dalaga, kabilang na riyan ang kanyang buhay-pag-ibig.

Chika ng youngstar, naging extra special ang love month para sa kanya dahil nakasama niya ang non-showbiz boyfriend. 

For the first time ay ipinakita na nga niya sa madlang pipol ang mukha ng kanyang dyowa na parang isang foreigner base na rin sa ipinost niyang picture sa Instagram noong Valentine’s Day.

“Ang buong February ko ay masayang-masaya po. ‘Yung puso ko ay masaya, siyempre kasama ko ang special sa puso ko.

“Tapos isa na rin siguro dahil itong February na ito, marami sa pamilya ko ang nag-birthday kaya grabe, puumpuno ng selebrasyon,” chika ng dalaga.

Matatandaang noong Feb. 14, Araw ng mga Puso, ay ginulat ni Maymay ang kanyang fans at social media followers nang ibandera niya ang litrato nila ng kanyang “Valentino.” Pero hindi niya binanggit ang pangalan ng guy.

Kasunod nito, binantaan naman ng dalaga ang naglabas ng isang video na aniya’y nagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa boyfriend niya na hindi siya magdadalawang-isip na mag-file ng kaukulang kaso laban sa mga taong nasa likod ng fake news.

Mukhang natakot at naalarma naman ang nag-post ng nasabing fake news laban sa boyfriend ni Maymay dahil deleted na sa YouTube ang inireklamong video ni Maymay.

Samantala, nagpasalamat din ang dalaga sa kanyang fans dahil nakakuha na ng mahigit 12 million views ang music video ng hit single niyang “Amakabogera” na mapapanood sa official YouTube channel ng Star Music.

“In-expect ko na maganda ‘yung kinalabasan at papatok ang music video dahil sa konsepto na ginawa nila. 

“Napakatalino nila, napakagaling nila, at sobrang gaan nilang katrabaho. ‘Yung nagshoot kami nito, sabi ko, ‘Ay jusko! Hindi pa nga nagsisimula, nakita ko na mga storyboard tsaka mga shots nila, wala na! Ito na ‘yun, papatok ito!’” sabi ng dalaga.

“Very empowering talaga ‘yung bawat linya ng ‘Amakabogera.’ Naging magandang inspirasyon ang ‘Amakabogera’ sa mga tao,” dagdag pang sabi ni Maymay Entrata.

https://bandera.inquirer.net/286891/sa-wakas-jodi-naka-graduate-na-sa-college-makalipas-ang-mahigit-1-dekada

https://bandera.inquirer.net/305620/maymay-may-pa-dyowa-reveal-sa-mismong-valentines-day-happy-birthday-my-valentino

https://bandera.inquirer.net/290292/angeline-pangarap-maka-graduate-ng-college-gustong-magtayo-ng-resto-sa-pangasinan

Read more...