Pia Wurtzbach at Piolo Pascual
TODO puri ang tinaguriang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa pagiging game nito sa bagong Kapamilya “sweetcom” na “My Papa Pi”.
Hindi pa man nagsisimula ang bagong comedy show ng ABS-CBN ay marami nang nagsasabi na maghi-hit ito sa Kapamilya viewers lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatambal sina Pia at Piolo.
At hindi lang si Papa Pi ang talagang super proud kay Pia kundi ang buong production ng programa dahil wala raw itong kaarte-arte sa katawan.
“She’s a revelation actually in this show. We were worried kasi nu’ng pagpasok niya nakapag-one day na kami,” simulang pahayag ni Piolo patungkol sa former beauty queen-actress.
“Pero she went straight into the character and talaga namang napapapalakpak pa kami sa kanya minsan kasi Miss Universe siya pero sobrang game niya. May sugat siya. Kumbaga she let her hair down.
“Ibinigay niya rito lahat. Napakasarap niyang kaeksena. Napakasarap niyang panoorin na ibang-iba sa mga the usual na nakikita natin sa kanya,” pahayag pa ni Papa P.
Sa lahat naman ng nagsasabi na si Piolo talaga ang magdadala ng show, mukhang hindi planong solohin ng binata ang lahat ng credit at papuri sa bago niyang proyekto na mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.
“Lagi ko ngang sinasabi na the magic is not with me, it’s with them. Ako lang yung taga-capture, yung taga-mount.
“So kung anuman yung nakita niyo du’, tama tumulong ako pero sila talaga yun. Si direk Cathy matagal na kasi kaming magkatrabaho, eh. So siyempre it’s an opportunity.
“We’ve always wanted to work together pero parang madaming projects na hindi matuloy tuloy.
“So ayun nga finally we get to do something like this and for sure one of these days we’ll still be able to do a film together kasi yun ang talagang pangako namin sa isa’t isa so mangyayari yun,” paliwanag ni Piolo.
Inamin naman ni Papa P na bukas siya sa posibilidad na magtrabaho sa ibang network na nagawa na niya last year sa TV5 pero mas pinili pa rin niyang bumalik sa Kapamilya channel.
“As long as there’s no conflict. My deal naman with ABS-CBN is as long as hindi siya conflict sa shows mo with ABS-CBN then I don’t think it’s going to matter.
“And as long as the concept is good. Pero for now, I’m just going to bask in whatever I have right now with ABS-CBN because I have so many shows that I’m working on. So I don’t think I have the time for that in the near future,” paliwanag ng aktor.
Aniya pa, priority pa rin daw niya ang ABS-CBN over other networks, “This is my home. So more than producing shows for any platform, iba pa rin yung mother studio mo yung nag-produce. But this year ongoing pa rin yung projects ko.”
Bukod sa “My Papa Pi”, tinatapos na rin niya ang Philippine version ng hit South Korean series na “Flower of Evil” kasama ang dating Kapuso star na si Lovi Poe, mapapanood na rin ngayong taon.
Anyway, mapapanood na ang “My Papa Pi” tuwing Sabado, simula sa March 5, at 7 p.m. sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN.
https://bandera.inquirer.net/305565/true-ba-angelica-biglang-nagkasakit-kaya-pinalitan-ni-pia-sa-my-papa-pi-ni-piolo
https://bandera.inquirer.net/306145/piolo-sa-muling-pagtatrabaho-nang-regular-sa-tv-talagang-parang-bata-ulit-learning-new-things
https://bandera.inquirer.net/305582/piolo-keribels-lang-maging-papa-p-ng-bayan-parang-awkward-pero-kesa-tawagin-kang-tito-ok-na