TINULDUKAN na ng aktor na si Matteo Guidicelli ang mga kumakalat na chika ukol sa diumano’y pagbubuntis ng asawa niyang si Sarah Geronimo.
Sa kanyang interview sa “TV Patrol”, tahasang nilinaw ng aktor kung may katotohanan nga ba ang balitang nagdadalangtao na ang kanyang maybahay.
Nagsimula kasi ang usap-usapan ukol sa pagbubuntis ng popstar nang mapansin ng mga netizens na tila may baby bump na ito sa kanilang larawan na naka-post sa Instagram ni Matteo.
“Wala. Ang sexy nga ng asawa ko, e. Hindi, ano lang ‘yun, hangin lang. Hangin lang ‘yun sa bundok,” sagot ni Matteo.
Dagdag pa niya, “Enjoy muna natin ‘yung pagiging mag-asawa. Enjoy-in muna namin ang isa’t isa. Hopefully soon.”
Nagkwento naman si Matteo tungkol sa kanilang buhay mag-asawa. Matatandaang nitong February lang nang mag-celebrate sila ng kanilang 2nd anniversary bilang husband and wife.
“Marriage is one of the most amazing things in life and I’m very very blessed and thankful na I’m blessed with an amazing wife. A wife that amazes me everyday… You’ll always learn more and more about her every single day and I think that is something very very true. Two years pa lang kami but I appreciate the ups and downs everyday,” sey ng aktor.
Chika pa ni Matteo, sa ngayon ay abala ang asawa niya sa pagbe-bake.
“She bakes. Ang sarap ng mga bine-bake niya. She’s amazing. Sarah’s very good. Impressive talaga kung paano siya nagma-mature and evolving as a wife,” papuri ni Matteo sa asawa.
Abala rin si;a sa kanilang production company at sa katunayan ay magbubukas na sila ng kanilang studio. Nabanggit rin ng aktor na abala ang asawa sa paggawa ng proyekto in partnership with Viva.
Amin ni Matteo, “She’s working for something. Malalaman n’yo soon. It’s not just out there yet but she has plans for the future. She’s working closely with Viva to produce these things with her, with our own company and Viva.”
Related Chika:
Matteo solid Popster pa rin kahit asawa na si Sarah: I am very, very proud of you!
Miss Universe Philippines Rabiya Mateo binati nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli