Payo nina Jake at Gerald sa mga kabataang artista: maging mabait sa lahat, magpakatotoo lang

Jake Cuenca at Gerald Anderson

KUNG may dalawang pambatong leading man ang ABS-CBN na hinuhulaang malayung-malayo pa ang mararating bilang alagad ng sining, yan ay walang iba kundi sina Gerald Anderson at Jake Cuenca.

In fairness, marami nang aktor ang nawala sa eksena at hindi na visible sa industriya ng telebisyon at pelikula pero nananatili pa ring solid ang estado nina Gerald at Jake sa mundo ng showbiz.

Siguradong isa ito sa mga dahilan kung bakit muli silang pinapirma ng exclusive contract ng Star Magic upang patuloy na makagawa ng mga makabuluhan at palabang proyekto para sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya network.

Sa nakaraang “Kapamilya Strong 2022” event ng ABS-CBN kasabay ng naganap na contract signing ng mga loyal artists ng Star Magic natanong sina Jake at Gerald kung ano ang maipapayo niya sa mga kabataang nangangarap ding mag-artista at makagawa ng sariling pangalan sa showbiz.


Pahayag ni Gerald, “Hindi ako mahilig magbigay ng advice. Ako yung tipong gusto ko mag-set ng example na when you come to set dapat professional ka at dapat ready ka. 

“But more than anything dapat always have kindness kasi hindi biro yung set eh, hindi biro yung pinagdadaanan lalo na ngayon sa mga tapings namin na naka-lock-in, ang layo sa pamilya, apat, limang araw na dire-diretso na taping. 

“Pero huwag din kalimutan na lahat ng tao pagod, eh. So always have kindness sa cameraman, sa utility. So kindness and professionalism,” lahad ng boyfriend ni Julia Barretto.

Samantala, hinding-hindi naman malilimutan ni Jake ang payo noon sa kanya ng mga bossing nila sa Kapamilya network — ang magpakatotoo at maging disiplinado.

“ABS-CBN had advice for me back then and yun din ang advice ko sa aspiring actors or people who want to be an actor, just be you. 

“Whatever quirks you have, whatever weirdness you have, you have to keep those things kasi that thing which is called you, that’s what’s going to make you different from everyone else. 

At the same time, with that being said, siyempre you have to be kind. You have to be professional. You have to put in the work,” dire-diretsong pahayag ng boyfriend ni Kylie Verzosa.

Patuloy pang pahayag ni Jake,”Parang everyone thinks the work begins when you get to the set. That’s a misconception.

“Kasi you should have been putting all the work in way before you get to the set. Kumbaga yung nakikita na lang ng tao yung tip of the mountain and the mountain of work that’s just for you,” magandang paliwanag pa ni Jake.


https://bandera.inquirer.net/298480/jake-cuenca-pumayag-nang-gumanap-na-tatay-sa-serye-kinarir-ang-pagiging-politiko
https://bandera.inquirer.net/296021/gerald-julia-sweet-na-sweet-sa-boracay-may-bonggang-dinner-by-the-beach

https://bandera.inquirer.net/282128/ilang-netizens-kumampi-kay-gerald-bea-sinabihan-ng-shut-up-na-lang

Read more...