Marian payag mag-artista ang 2 anak nila ni Dingdong, pero merong kundisyon; sitcom ng DongYan sa GMA kasado na

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Zia at Ziggy Dantes

MAKALIPAS ang dalawang taon handa na uli si Marian Rivera sa mga trabahong kailangan ng physical contact at face-to-face na awrahan.

Fully-vaccinated na ang Kapuso Primetime Queen at naturukan na rin siya ng booster shot, ganu’n din ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia na kumpleto na rin ang bakuna kontra COVID-19.

Kamakailan ay um-attend na si Marian sa contract signing para sa  bago niyang endorsement na siyang kauna-unahang paglabas ng aktres at TV host mula nang magkapandemya.

Talagang desisyon niya ang huwag munang tumanggap ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya para sa seguridad at kaligtasan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga anak.

Pero ngayon, pwedeng-pwede na raw siyang sumabak sa face-to-face taping at sa katunayan, pinaplantsa na ang pagsasamahan nilang sitcom ng asawang si Dingdong sa GMA 7.

“Tapos na ‘yung script niya. We’re finalizing the cast, and the date. Then, script reading na kami. Then after the reading, ready to roll!” kuwento ni Marian sa panayam ng “24 Oras.”


Bukod dito, naghahanda na rin sina Marian at Dingdong sa pagbabalik  face-to-face ng kanilang panganay na si Xia sa school. Super excited na raw ang bagets na makitang muli ang kanyang mga teacher at kaklase.

“Gusto talaga niya, looking forward siya na mag-face-to-face na sa school. Sabi ko kasi, ‘Anak, hangga’t hindi ka fully vaccinated, hindi ka puwedeng pumasok sa school.’

“Sabi niya, ‘Mama, I want to get the vaccine, I want to go to school,’ so tingnan natin kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw,” sey pa ng Kapuso actress at TV host.

Pero for now, work-from-home pa rin si Marian habang naghihintay ng go signal mula sa mga bossing niya sa GMA para sa face-to-face projects.

Sey pa ni Marian, naging bahagi na rin ng kanilang family bonding kapag nagte-taping siya ng spiels para sa weekly drama anthology niyang “Tadhana.”

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng netizens ang mga litrato at video ng Team Dantes habang nagte-taping si Marian para sa “Tadhana” kung saan nagsilbing “camerama” si Ziggy.

“Si Dong, gusto talaga nilang nanonood, tapos si Sixto nandoon, si Zia nagka-clapper minsan. Nakakatuwa na as a family kami,” aniya pa.

Samantala, muling natanong si Marian kung papayag ba sila ni Dingdong sakaling gustuhin na rin nina Zia at Ziggy na mag-artista balang araw.

Wala naman daw problema sa mag-asawa kung papasukin din ng mga anak nila ang showbiz pero may kundisyon daw sila ni Dong, “Aral muna sila. After mag-aral, kapag nakapagtapos sila kahit ano mang gusto nila, we will support it.”

https://bandera.inquirer.net/286244/bakit-isinasama-ni-dingdong-si-zia-kapag-nagbo-voice-over-siya-sa-amazing-earth
https://bandera.inquirer.net/284439/paano-sinagot-ni-dingdong-ang-tanong-ni-zia-kung-bakit-nagwo-workout-siya-araw-araw

https://bandera.inquirer.net/299115/dingdong-malungkot-sa-6th-b-day-ni-zia-pero-nag-promise-sa-anak-sana-maintindihan-mo-si-dada

Read more...