Michelle Madrigal pa-date-date lang muna, ayaw pang magkaroon ng bagong dyowa

Michelle Madrigal at Anika

HINDI pa keri ng aktres at fitness instructor na si Michelle Madrigal na pumasok muli sa isang seryosong relasyon matapos mawasak ang kanyang married life.

Matapos niyang ibandera kamakailan ang tungkol sa pagdi-divorce nila ng asawang si Troy Woolfolk ay inamin ni Michelle na hindi pa siya handang magkadyowa uli.

Ito ang sinabi ng celebrity mom sa kanyang latest Q&A vlog kung saan isa-isa niyang sinagot ang mga tanong ng kanyang mga subscribers sa YouTube.

Isang netizen ang nagtanong sa kanya tungkol sa estado ng ngayon ng kanyang lovelife at kung may bago na ba siyang dyowa.

Sagot ng aktres, “I’ve gone on casual dates but I don’t think I’m ready to be in another serious relationship.”

Okay lang daw sa kanya ang makipag-date at lumabas-labas with her male friends at makakilala ng mga bagong kaibigan pero ang makipagrelasyon uli nang seryosohan ay wala pa sa mga plano niya.

“Go for coffee, go on walks, or whatever; go for dinner. But honestly, where I am at, I want to focus on myself and it will be unfair,” aniya pa.

“It would be unfair for the other person to be with me potentially. Kasi, I don’t think I can commit to that with my new work schedule, me being a single mom, or co-parenting, right? It’s a lot,” dugtong ni Michelle.


Mas gusto raw muna niyang i-enjoy ang pagiging single at nanay sa anak nila ni Troy na si Anika na siyang pinaka-priority niya ngayon sa kanyang buhay.

“Nagawa ko na ‘yan dati na in relationships I always cater to other people. I always cater to their needs before my needs. This is a good chance for me to really focus on myself,” sabi ng aktres.

Naniniwala rin siya na may tamang panahon para sa lovelife, “I am not saying the person, when the right time comes and I feel like I can give the commitment that is needed to nurture in the relationship, then I will be happy. I will accept it with open arms. Currently, hinay-hinay muna tayo.”

Ikinasal sina Michelle at Troy noong April, 2019 matapos magkakilala sa dating app na Tinder. Isinilang naman ang kanilang anak na si Anika noong 2017.

Last November, inamin din ni Michelle na magkasama pa rin sila ni Troy sa kanilang bahay ngunit may kanya-kanya silang kuwarto. Ito’y habang inaayos pa nila ang magiging co-parenting agreement nila para sa kanilang anak.

https://bandera.inquirer.net/287302/michelle-madrigal-sa-pagbabati-nila-ng-ina-makalipas-ang-ilang-taon-time-heals-all-wounds-talaga

https://bandera.inquirer.net/285272/michelle-madrigal-nagrebelde-sa-murang-edad-as-in-self-destructive-talaga

https://bandera.inquirer.net/283117/ai-ai-hindi-keri-mag-organize-ng-community-pantry-idadaan-na-lang-sa-simbahan-ang-ayuda

Read more...