NWorld buking sa illegal ‘investment scheme’ ng beauty and skin care products

DAHIL nabuking ang pag-aalok ng ‘invesment scheme’ ng walang kaukulang permiso, nagpalabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng “cease and desist order” laban sa Alphanetworld Corporation.

Sa kautusan ng Commission En Banc, inabisuhan na ang Alphanetworld o NWorld, na itigil na ang pag-aalok ng investment packages, gayundin pinatatanggal na ang kanilang “posts and offerings” sa social media.

Sinabi ni SEC Enforcement Director Oliver Leonardo nabuking nila ang NWorld sa pag-aalok ng “securities” ng walang permiso mula sa ahensiya.

“Mayroon tayong batas na ipinatutupad na ‘pag ang isang korporasyon nag-aalok ng financial product na securities sa pamamagitan ng investment contract.

“Dapat silang magsecure ng permit to offer securities under Section 8 ng Securities Regulation Code, wala pong permit itong si NWorld,” paliwanag ni Leonardo.

Sa pag-iimbestiga ng SEC – Enforcement and Investor Protection Department ang mga pakete na iniaalok ng NWorld ay may halagang P4,750 (Silver), P9,500 (Gold) at P19,000 (Platinum) at may kasamang skin care at consumer care products.

“Yung kikitain daw ay aabot sa P127,000,” dagdag pa ni Leonardo.

Ngunit aniya ang ginagamit na panghihikayat ng NWorld ay tinatawag na ‘refeerral bonuses.’

“Kung tutuusin mo napalaki ng entry fee. Sa P20,000 ilang sabon lang ang makukuha mo doon. So papaano ka kikita? So magrerecruit ka,” sabi pa ng opisyal.

Babala niya mahaharap sa kasong kriminal ang NWorld kung hindi susunod na ipinalabas na kautusan ng SEC na tigilan ang kanilang investment scheme dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code.

https://bandera.inquirer.net/294698/dotr-sec-tugade-umalma-sa-malisyosong-artikulo-tungkol-sa-offshore-investment
https://bandera.inquirer.net/294356/wais-na-diskarte-para-kumita-ngayong-pandemya

Read more...