KINAMPIHAN ng mga supporters ng presidential candidate na si Bongbong Marcos ang patutsada ng direktor na si Darryl Yap laban kay Vice President Leni Robredo.
Pero meron ding bumanat at bumatikos sa Vivamax director kasabay ng pagtatanggol sa tumatakbong bise presidente sa May, 2022 elections.
Matapang na kinontra ng “Kape Chronicles” director ang tweet ng tanggapan ni VP Leni kung saan makikitang nakapaa na ito at bitbit ang high heels shoes matapos sumalang sa halos tatlong oras na Presidential forum.
“Alam ng true leader kung gaano tumatagal ang mga debate; na sasakit ang kanyang binti at paa kung maghi-heels siya.
“True leader is stepping up and showing up… even if it means standing in heels for 3 hours,” ang nakasaad sa tweet ng kampo ni Robredo last Sunday, Feb. 26 pagkatapos ng CNN Presidential forum.
Sa pamamagitan ng Facebook, naglabas ng saloobin si Direk Darryl tungkol sa ginawang pagtatanggol ng sapatos ni VP Leni at tinawag itong “poor planning” at “wrong decision.”
“Alam ng TRUE LEADER kung gaano tumatagal ang mga debate.
“Alam ng TRUE LEADER na sasakit ang kanyang binti at paa kung magheheels siya.
“POOR PLANNING. WRONG DECISION…all for a show.
Showmanship is not Leadership,” banat pa ng direktor.
“EH YUNG KANDIDATO NYO NGA DI UMATTEND!!! ng ano? ng SHOW? That’s a wise decision,” sabi pa ni Darryl Yap patungkol naman sa hindi pag-attend ni BBM sa forum.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa FB post ni Darryl Yap na siyang nagdirek ng mga pelikulang “Jowables”, “Tililing” at “Revirginized.”
“Partida sabi nga susuotan daw tayo ng tsinelas, eh siya mismo walang dalang tsinelas.”
“This can also be related sa kanyang ‘be like Ukraine’ principle.
“Lack of Forecasting – anticipating the possibilities and consequences.
“Lack of right assessment between US-China sentiments – one of her follower argued that Leni said it last Feb 6 and NOSTRADAMUS daw ba si Leni para malaman na ang Russia ay makikipag-gyera sa Ukraine? I was like GHORL. Halos mamatay ako sa tawa drinking schutacca boba tea ampota.
“Lack of VISION – advance thinking ka dapat. Observe her interviews. It’s all about narration, summarization. Kaya paulit ulit sya. She craves validation na may alam sya. But problem solving, wala talaga. I watched the CNN debate. She’s just flexing the common knowledge of everyone but not what she can do further. Lahat ng plans nya walang bago. Hindi original. Kumbaga copycat na lang ng mga past administrations she’s just renaming it but same concepts.
“#PoliticiansForLeni and #BusinessmenForLeni should teach her kahit SWOT analysis na lang. Particularly sa part ng OT – OPPORTUNITIES AND THREATS. Hindi yung OT na nagta-trabaho ng 18 hours a day ampetetelege.
“Attached is the sauce from #DepartmentOfExplanation for Leni na pinalala lang yung campaign nya. Filipinos, I introduce you the “NOTRADAMUS” argument.”
“Darryl Yap Let’s give it to her. She’s 56 y/o & yet endured the 3hrs. Besides, she showed up and delivered!”
“Anticipation. Kung ako yan, maghiheels man ako, magpapadala na ako ng slippers sa PA ko to wear right after the show.”
“A True leader is not about what you have stepped up and showed up, it’s about what you have intelligently and critically planned and done not for your ego but for the safety and benefit of your people.”
“For me, the Presidential Debate “Show” that you are pertaining to was always substantial and enlightening. It isn’t just about standing there with high heels for 3 hrs. , it is merely ‘like’ a panel interview in a recruitment process where all the job candidates have to be placed in more intimidating positions. And it would take courage, confidence, sincerity, and intelligence to withstand it. As Filipino civilians, we opt for answers and real-life models.”
“I hope to see BBM again in these kinds of significant matters not for the loyalist to do the talking for him.”
Isa si Darryl Yap sa mga celebrities na sumusuporta sa UniTeam tandem nina Bongbong at Vice Presidential candidate Sara Duterte na parehong no-show sa naturang presidential forum.
Sa kabila ng mga natatanggap na batikos mula sa supporters ni VP Leni, tuloy pa rin ang paggawa ng direktor content para sa kanyang kontrobersyal na “Kape Chronicles” series na ang laman ay puro pangnenega sa bise-presidente.
Related Chika:
Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan
Hugot ni Diego: Always love yourself first…now I know what I want to do