Sey ni Mikael, bigla na lang mabubuntis si Megan: Don’t worry, pati ako magugulat, promise!

Mikael Daez at Megan Young

KUNG noon ay mabilis na “hindi pa sa ngayon” ang sagot nina Mikael Daez at Megan Young kapag natatanong tungkol sa pagkakaroon ng baby, iba na ang tono ngayon ng mag-asawa hinggil dito.

Sa virtual mediacon ng GMA 7 para sa bagong infotainment Kapuso show na “The Best Ka!” sinagot ni Mikael ang question kung kung kailan kaya sila magkakaroon ng “Little Mikael” o “Little Megan.”

Ayon sa Kapuso actor-TV host, “I’m not sure na nga, e! Feeling ko parang biglaan na lang yun, e. At this point, ha?

“Dati sinasabi ko, ‘Wala,’ ‘Hindi,’ ‘Not yet.’ Pero now, maybe, maybe one of these days baka magulat na lang tayong lahat. Don’t worry, pati ako magugulat, promise,” ang tumatawang chika pa ni Mikael.

Siguradong matutuwa at magpipiyesta ang kanilang respective families at mga supporters kapag nagkaroon na sila ng baby.

Nagbahagi rin si Mikael about their life in Subic ngayong doon na sila naninirahang mag-asawa, “Sarap! Oh, my God!”

“The Best Ka! if you would like to move our regular production to Subic or Olongapo area, we can also move up North, maraming magagandang probinsiya diyan, I am willing to do that, FYI,” ang panawagan ng aktor sa production team ng “The Best Ka!”

Ipinaliwanag din ni Mikael kung bakit nagdesisyon na silang manirahan sa Subic at iwan muna ang buhay nila sa Manila.

“Well, for one I’m in love with Subic, in love na in love ako sa lugar na yun. And [number] two, now that, siguro we’ve spent a total of a couple months already in Subic, ang sarap ng buhay du’n, e.

“Maluwag, maaliwalas, there’s so much you can do, madaming coffee shops na doo. And then nakita namin na kayang-kaya pala na mag-back and forth.

“Kunwari kailangan naming umuwi ng Manila in the morning, at night I can drive back home. Tapos salitan kami ni Bonez (tawag niya kay Megan), ako yung nagda-drive ng one hour, siya yung nagda-drive ng another hour, so masaya siya and doable pala siya!


“So parang ngayon mas kampante pa kami na, ‘Okay, Subic really is our home!’” sey ni Mikael.
Feeling ng aktor, baka raw maging permanente na ang pagtira nila sa Subic, “Pero alam mo naman kami ni Bonez, e. Biyahe here, biyahe there, biyahe everywhere.

“I’d like to call Subic our main home pero it would take sometime, it would take sometime. Marami pa rin kailangang gawin sa bahay. Luma yung bahay, e. So unti-unti,” aniya pa.

Sabi pa niya, may bahay pa rin naman daw sila sa Manila na magagamit nila kapag may kailangan silang gawin dito.

Samantala, hataw sa ratings game ang “The Best Ka!” ng GMA kung saan nagsisilbing guest co-host ni Mikael ang asawang si Megan. Kaya ang sumunod na tanong sa TV host ay kung bakit hindi na lang gawing permanent co-host niya ang dating beauty queen.

“I don’t know, I’m not sure! Maybe we should do something about that. But of course, we don’t know what will happen, let’ see. Crazier things have happened in the world of showbiz. 

“Sa ngayon let’s take it a day at a time, an episode at a time, one thing I can tell you is me and my wife enjoyed taping episode one, a lot,” chika ni Mikael.

Napapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. ang “The Best Ka!” kung saan ang mga the best of the best sa Guinness Book Of World Records ang ibinabandera nina Mikael at Megan.

https://bandera.inquirer.net/283461/megan-mikael-tuloy-ang-paglipat-sa-subic-pero-may-mga-problema-pa

https://bandera.inquirer.net/306183/mikael-sa-asawang-beauty-queen-im-not-in-love-with-miss-world-im-in-love-with-megan-young

https://bandera.inquirer.net/288239/megan-mikael-umamin-palagi-naming-nakakalimutan-ang-birthday-at-anniversary-namin

Read more...