Menor magsasampa ng kaso vs tatay

DEAR Atty.:
Magandang araw po. Ako po ay si Amy, 16 years old hiwalay na po nanay at tatay ko. So ang nanay ko lang po ang sumusuporta sa aming dalawang magkapatid sa pag-aaral. Ang tatay ko po ay iba na ang pamilya. Dapat po ba idemanda ko yung tatay ko kasi po hindi siya nagpapadala ng pera sa amin at paano? – Amy, …3583

Dear Amy:
Maaari kang magpatulong sa nanay mo na magsampa ng Petition for Support and Support Pendente Lite oara naman makapag-demand kay ng financial support sa iyong ama.
Ang kailangan mo lang ay isumire ang marriage contract ng inyong mga magulang, at ang birth certificate ninyong magkapatid sa judge at kayo ay mabibigyan ng financial support mula sa inyong ama.
Maari ka rin magsampa ng criminal case na Anti-violence against Women and Children Act. Isang krimen kasi ang ang hindi pagbibigay ng financial support sa anak. — Atty.

Dear Atty:
Magandang araw madam. Ako pop pala si Analou, 22, ng Insulan, Sultan kudarat . May katanungan po sana ako tungkol sa birth certificate ng aking anak. Maaari ko po bang palitan ang apelyido niya at isunod sa apelydio ko. Dahil po nagkahiwalay kami ng ama ng aking anak, pero hindi naman po kami kasal. Hindi po ba ako makakasuhan kung palitan ko ang apelydio ng aking anak? Maraming salamt po. Analou…0088

Dear Analou:
Magsampa ng demanda sa Regional Trial Court kung saan ipinanganak ang inyong anak: “Petition for Correction of Entry in Birth Certificate”. Ikwento sa judge na ang ina at ama ng bata ay hindi kasal, at inyo nang hinihiling na palitan ang apelyido ng bata mula sa apelyido na ama, sa inyong apelyido.
Kung ang mga magulang ng bata ay hindi kasal sa isa’t-isa, ang apelyido ng bata ay otomatikong isusunod sa apelyido ng nanay sapagkat ang ina lang ang may parental authority sa batang “illegitimate”. — Atty.

DEAR Atty :
One year old and three months po ang anak ko at hanggang ngayon ay di pa rin dumarating ang birth certificate niya. Pinaulit ko po kasi dahil mali ang middle name ng asawa ko. March pa nang ipaulit ko. Nang puntahan ko po sa munisipyo namin hindi pa din tapos. Bakit po ganun? May babayaran pa daw kaming P400 para i-check sa internet kung ayos na o hindi pa. –Rahima G. Umbi po ito ng Datu Paglaz Maguindanao, …9998

Dear Rahima:
Kaunting pasensya po, ganyan po talaga ang mag-proseso ng mga papales sa gobyerno.

Read more...