Pepe Herrera may inamin tungkol kay Piolo: Tulad ni Papa P, mahilig din ako sa halaman at hayop

Pepe Herrera at Piolo Pascual

NAGKATOTOO na ang isa sa mga pinapangarap ng Kapamilya comedian na si Pepe Herrera — ang makatrabaho sina Pia Wurtzbach at Piolo Pascual.

Maswerteng napili si Pepe sa latest romantic “sweetcom” ng ABS-CBN na “My Papa Pi” kung saan gaganap siyang twin brother ni Piolo at isa sa leading man ni Pia.

Nang i-offer sa kanya ang nasabing project, talagang tinanggap daw niya agad ito unang-una, nais niyang makatrabaho uli ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina pati na rin sina Piolo at Pia.

“Matagal ko na sila gusto makatrabaho. Si direk Cathy gusto ko makatrabaho ulit kasi siya yung first director ko sa TV sa Forevermore nu’ng 2014. 

“After nu’n hindi ko na siya nakatrabaho ulit. Tapos si Pia at saka si Piolo nakikita ko lang sa TV or sa ASAP mga hi-hello lang. Na-ku-curious ako sa kanila eh. 

“I want to get to know them and hopefully be friends with them. Nandito na nga, nagkatotoo na. Yehey,” pahayag ni Pepe. 

Ayon kay Pepe, gaganap siya bilang si Popoy ang kakambal ni Pipoy na ginagampanan nga ni Piolo. Sey ng komedyante, may mga pagkakapareho rin sila ng Ultimate Leading Man sa tunay na buhay.

“Ang kuwento ng My Papa Pi ay tungkol sa isang kambal na si Popoy at si Pipoy at tungkol sa aming community, ang Mapag-asa Street, isang halimbawa ng simple pero mapagmahal at nagkakaisa na komunidad ng Pilipino. 

“Ang nanaig na pakiramdam ko pagtanggap ko nitong role is excited. Kasi katulad ni PJ, mahilig ako sa halaman at saka sa mga hayop. Yun lang inaatupag ko kapag walang trabaho. 

“Pero siyempre, from time to time you want a break from routine, ang sarap ng creative outlet. At saka mahilig talaga ako sa tao talaga, eh. I’m very, very curious.

“Nae-energize ako pag nakikipagkuwentuhan at saka pag may bagong nakikilala. Kaya I’m very, very excited. Eh, sinabi ko matagal ko na siyang gusto makatrabaho,” tuluy-tuloy na pahayag ni Pepe na nakilala nang bonggang-bongga sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.


Sey pa ng komedyante, ang “My Papa Pi” na ang biggest TV project na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Aniya pa, wala naman daw masyadong pagkakaiba ang paggawa ng live shows o stage play sa teleserye.

“Kasi sa training namin sa theater, it doesn’t matter kung maiksi yung buhok or mahaba, puwede naman mag-wig, puwede naman mag-costume. 

“Puwede mag-transform through costume and makeup. Although sobrang blessing in disguise na maiksi yung buhok ko ngayon  at maiksi din ang buhok ni Papa P. Baka blessing in disguise or divine intervention,” pahayag ng komedyante.

Nabanggit din ni Pepe ang ilan sa mga naging inspirasyon niya sa larangan ng pagpapatawa, “Unang-una, wala akong tinitingala pero meron akong tinutularan. 

“Yung isa patay na, si Robin Williams. Yung buhay pa si Jim Carrey at Dave Chapelle. Silang tatlo. Sa local si Dolphy number one,” aniya pa.

Magsisimula na ang “My Papa Pi” sa March 5, Sabado, 7 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/305547/pepe-herrera-kering-keri-ang-pagiging-kakambal-ni-piolo-ok-lang-naman-normal

https://bandera.inquirer.net/305767/korina-kinarir-ang-superhero-themed-birthday-party-nina-pepe-pilar-puro-matatanda-ang-guest-list

https://bandera.inquirer.net/304808/janella-hilig-talaga-ang-mag-alaga-ng-hayop-lagi-ko-iniisip-na-baka-masagasaan

Read more...