Star Magic artists
INALALA nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Zanjoe Marudo, Ronnie Alonte at Sam Milby ang mga highlights sa naging showbiz career nila kasabay ng 30th anniversary ng Star Magic.
Present ang apat na Kapamilya stars sa naganap na mediacon para sa kanilang contract signing kamakailan kasama ang iba pang loyal artists ng ABS-CBN.
Dito, ibinandera ng TV executive na si Lauren Dyogi ang mga inihanda nilang mga pasabog para year-long 30th anniversary celebration ng Star Magic ngayong 2022.
Nag-promise si Direk Lauren na maraming aabangan ang madlang pipol ngayong taon kabilang na riyan ang mga bonggang projects na naka-line up para sa mga loyal Kapamilya stars.
Sa isang bahagi ng presscon, natanong nga ang mga nasa Kapamilya Strong event kung ano ang mga maituturing nilang pinaka-highlight ng kanilang career makalipas ang ilang taong pamamalagi sa showbiz.
Ayon kay “The Broken Marriage Vow” lead star Zanjoe Marudo, “Maraming highlights sa career ko. Siyempre nu’ng nag-umpisa ako sa PBB hindi ko makakalimutan yun.
“Siguro ang pinakamasayang experience yung struggle mo na wala ka pang alam sa pag-arte. Nanggaling kami sa reality show tapos bigla kang bibigyan ng trabaho, sasabak tayo sa mga trabaho.
“Siyempre unti-unti kang natututo. Yun yung magandang nangyari. And thankful kami sa Star Magic at sa ABS-CBN na maraming beses kami binigyan ng chances.
“At saka yung mga events, yung mga events na nagkikita-kita kami like Star Magic Ball, Star Magic Olympics. Yung hindi siya trabaho at hindi lang kami puro artista, nakakasama namin yung mga handlers namin at road managers namin na masasaya lang kami nag-e-enjoy kami. Isa yun sa mga na-mi-miss ko na din mangyari,” pahayag ng aktor.
Para naman kay Gerald na magse-celebrate na rin ng kanyang 16th year sa showbiz this year, “Siguro more than a project, it’s the moments, the relationships, the friendships na nabubuo on the set kasama yung mga Star Magic family namin.
“Kapag magmo-mall show kami out of town, kapag ako laging may side trip or pupunta kami ie-explore namin yung cities.
“So for the last 16 years yun yung highlight ko. Because yung relationships that you build din with these people na very passionate din sa trabaho nila.
“Looking back now parang yun yung moments na lagi mong maaalala. Yung ups and downs in my life and my career, sila din ang nakakasama ko. I get strength from them,” ani Gerald.
Samantala, inalala naman ni Shaina ang mga naging karanasan niya noong nagsisimula pa lang siya bilang child star sa ABS-CBN.
“Niri-recognize ko na I had a very unique childhood. Unang-una, lumaki na ako sa harapan ninyong lahat. Maaaring napanood niyo yung mga shows na ginawa ko but kumbaga it helped shape me as a person kasi lumaki ako with people from all walks of life.
“So yung mga crew namin, yung directors namin, yung mga co-actors ko sila yung mga naging ate ko, mga naging kalaro ko kasi nga at a very young age I was already working.
“I guess itong industry na ‘to, since I was basically raised by this industry and this network, ang dami kong natutunan sa buong showbiz world na ‘to, yung pakikisama sa tao,” kuwento ni Shaina.
Itinuturing naman ni Ronnie na pinaka-highlight ng career niya bilang aktor ang pagbibida sa dalawang Metro Manila Film Festival entry niya.
“Yung Seklusyon days ko and Vince and Kath and James nu’ng Metro Manila filmfest,” sagot ng binata.
At para naman kay Sam Milby na 17 years na ngayon sa showbiz, ang pagiging housemate niya sa unang season ng “Pinoy Big Brother”.
“Du’n ako nag-start. Doon nag-start ang lahat-lahat. Pati yung first teleserye ko Maging Sino Ka Man, yung movie namin ni direk Lauren (Dyogi) and then yung series naming Halik,” sey ng Kapamilya leading man.
https://bandera.inquirer.net/306665/shaina-2-buwan-lang-sana-sa-ang-probinsyano-pero-hindi-na-tinanggal-ni-coco
https://bandera.inquirer.net/295792/piolo-shaina-magdyowa-na-raw-sweet-na-sweet-sa-bohol-naka-double-date-sina-jodi-at-raymart
https://bandera.inquirer.net/304664/promise-ni-ronnie-wala-na-akong-ibang-hahanapin-pa-at-wala-akong-balak-pakawalan-si-loisa