Male star maraming drama sa buhay; Chinese businessman daw ang bagong dyowa

Sino siya? Hula na!

HINDI atat na atat na magdyowa ang isang kilalang aktor na medyo out na rin ngayon sa kanyang totoong kasarian. 

Nalaman namin na noong Valentine’s Day ay wala siyang ka-date at ang kanyang rason — super busy daw siya sa kanyang mga projects in and out of showbiz.

In fairness, maganda ang katawan at pa-yummy din ang aktor na ito na kumakanta rin dahil may maipagmamalaki rin siyang boses.

Nakilala ang male celeb na ito mula sa isang reality talent search sa telebisyon at mula nga noon ay unti-unti na siyang sumikat sa larangan ng pag-arte.

Ngunit nang sumikat na nga siya at nagkapangalan, kinuwestiyon na rin ang kanyang gender preference. Pero in fairness uli, sa gitna ng pang-iintriga ng madlang pipol, naging vocal na rin siya sa tunay niyang pagkatao.

Guwapo ang na-link sa kanya na isang sikat na aktor na kasamahan niya sa iisang talent management. ‘Yun daw talaga ang totoong naging jowa niya.

May balita rin na naging dyowa niya ang isang actor-entrepreneur na nakasama niya noon sa isang negosyo at hanggang ngayon ay pilit silang iniintriga. 

Pero ang nakagugulat na chika ay ang tungkol sa bagong nali-link sa kanya na isang businessman na may lahing Chinese.

Business partner daw niya ito. Pero napapansin ng netizens ang photos nila together. Parang may something daw. Ano kaya ‘yun? 

Kasi naman itong si aktor, marami ring drama sa buhay. Masyado na rin siyang nagiging open sa mga kaganapan sa buhay niya na ikinauumay na ng mga tao. 

Kung totoong naging sila ng businessman na ito na mukhang tahimik, paano kaya niya hina-handle ang personality ng aktor? 

‘Yan na ba ang bet niya ngayon na may pagkatsinito? Well, your guess is as good as mine.

Aktres naloka sa drama ng kilalang female star: Talagang dinededma niya ‘ko!

AJ Raval may tinatago nga bang ‘anak’ sa publiko?

Hipon Girl handang magpasampal kay Bea; Julia atat na atat na kay Gerald

Read more...