Shaina 2 buwan lang sana sa ‘Ang Probinsyano’ pero hindi na tinanggal ni Coco

Shaina Magdayao

DIRETSAHANG sinabi ni Shaina Magdayao na inakala niyang wala nang magandang maio-offer na projects sa kanya ang ABS-CBN lalo na noong kasagsagan ng isyu sa franchise renewal na sinabayan pa ng COVID-19 pandemic.

Ngunit maling-mali pala ang nararamdaman niya dahil hanggang ngayon ay nabibigyan pa rin siya ng magagandang proyekto at patuloy na pinagkakatiwalaan sa gitna ng mga krisis.

Muling pumirma ng exclusive contract si Shaina sa Star Magic nitong nagdaang Miyerkules, Feb. 23 sa naganap “Kapamilya Strong” event kung saan nakasabay din niya sa contract signing ang iba pang arista ng ABS-CBN.

Natanong si Shaina kung ano pa ang aasahan ng madlang pipol sa kanya ngayong 2022, “What’s in store for me? I guess akala ko wala na because I thought I’ve done everything already but the network keeps on offering me good projects, and more than anything, it’s the collaborations siguro.”

Dagdag pa ng aktres, “I still hope to work with our greats, great actors, great directors that we have and mangilan-ngilan na tao rito sa stage na ‘to ang nakasama ko and I always say na I’m grateful for the leading men, different men and women that I get to work with kasi ibang Shaina ‘yung nabibigay ko because of them also, with their help.

“I’m definitely sure for the next two years marami pang collaboration with our good actors and directors. This is my boldest and most courageous way of expressing my loyalty and gratitude to the network kasi in the middle of a pandemic, binigyan nila ako ng trabaho,” paninuguro pa ng sister ni Vina Morales.


Samantala, super grateful and thankful din ang aktres sa ABS-CBN dahil hanggang ngayon ay napapanood pa rin siya sa hit TV action-drama series na “Ang Probinsyano.”

“Mahirap ‘yun because we’re in the midst of a pandemic and with everything that’s happening to the country and also to the network. But now I think is the perfect time to profess our gratitude and loyalty to the network.

“Ang nagbigay sa atin ng trabaho kahit nasa gitna tayo ng pandemya. Ako, I can say na mayroon akong trabaho, may ‘Ang Probinsyano’ because of ABS-CBN and I will always be grateful,” sey pa ni Shaina.

Nagsimula siya sa serye ni Coco Martin noong 2020 bilang si Police Maj. Roxanne Opeña, na nakasama ni Cardo Dalisay sa Task Force Agila.

Ang dalawang buwan lang sanang guest appearance ni Shaina sa “Probinsyano” ay umabot na nga ng halos dalawang taon.

https://bandera.inquirer.net/295792/piolo-shaina-magdyowa-na-raw-sweet-na-sweet-sa-bohol-naka-double-date-sina-jodi-at-raymart

https://bandera.inquirer.net/281485/ivana-alawi-pinakabagong-miyembro-ng-siomai-king-family

https://bandera.inquirer.net/297151/kapatid-ni-shaina-sinagot-kung-totoong-buntis-ang-kapatid-vina-nagulat-kay-piolo

Read more...