Vaness del Moral natakot nang ialok sa kanya ang ‘Widow’s Web’: Wait lang, parang hindi ko pa yata kaya!

Carmina Villarroel, Asheley Ortega, Pauline Mendoza at Vaness del Moral

NAGDALAWANG-ISIP ang Kapuso actress at celebrity mom na si Vaness del Moral na tumanggap muli ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Inamin ng StarStruck season 3 avenger na talagang natakot siya sa pagbabalik niya sa showbiz matapos mawala sa limelight ng mahaba-habang panahon.

Ikinasal si Vaness noong 2018 sa kanyang businessman non-showbiz partner na si Matthew Kier at naging mommy taong 2020 kaya naman matagal din siyang napahinga sa pag-arte.

Kaya nang ialok sa kanya ang pinakaunang suspense serye ng GMA na “Widow’s Web” ay hindi siya agad nakasagot ng “oo” kahit pa super na-miss niya ang pag-arte sa harap ng mga camera.

“Ninerbiyos ako kasi my last show was before I got pregnant pa, ‘Love of My Life’, so matagal akong nabakante.

“Sabi ko, wait lang, parang hindi ko pa yata kaya. Parang hindi pa ko ready magtrabaho uli at humarap sa kamera. 

“But GMA’s creative said ako talaga ang gusto nila. Sabi pa nila, we wont give it to you kung hindi nagtitiwala sa ’yo ang network,” paliwanag ng magaling na Kapuso kontrabida.

At nang mabasa na raw niya ang script, talagang na-in love siya agad sa role niya bilang si Hillary, ang kaibigan ni Carmina Villarroel sa serye, “She’s out of this world. Kung manamit siya, very flamboyant. Ang mga damit niya, at ang style niya, outrageously getting attention. May pagkamaldita siya, bida-kontrabida ang dating niya.”

Dagdag pa ni Vaness, “Sosyal na sosyal ang dating niya. She is one of the four leads na puro babae. Lagi siyang glamorosa, dressed to the nine. 

“Tapos, asawa ko rito si Bernard Palanca, baldado siya, naka-wheelchair lang at may anak kami, played by Vanessa Peña, so yes, first time kong mag-mother role. 

“Kaya na-challenge ang beauty ko. Pumayag akong tanggapin ang role kahit mawawalay ako sa baby ko dahil lock in taping kami,” aniya pa.

Tungkol naman sa pagiging first-time mommy, “Naku, nabago ang buhay namin ng husband ko, 360 degrees. Lahat ng aming time and attention napunta sa baby naming si Ellie. Yung mga dati naming ginagawa bago siya dumating, hindi na namin nagawa kasi siya na ang priority namin.”

“Napakasaya namin as she brings so much joy to our life since she was born on May 26 last year. So this coming May, we will celebrate her first birthday and it’s a a great thanksgiving to the Lord for giving her to us. 

“Mabuti na lang at meron tayong video call ngayon kaya lagi ko siyang tinatawagan at ang papa niya habang nasa lock in taping ako. Kasi baka mamaya, malimutan niyang ako ang madir niya kapag di niya ako nakita nang matagal,” chika pa ni Vaness.

Mapapanood na ang “Widow’s Web” ngayong darating na Lunes, Feb. 28 kung saan bibida rin sina Pauline Mendoza at Ashley Ortega, sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

https://bandera.inquirer.net/281519/social-media-parang-sementeryo-sa-dami-ng-namatay

https://bandera.inquirer.net/284436/chynna-gustong-bigyan-ng-medal-si-kean-sa-pagiging-asawa-at-ama

https://bandera.inquirer.net/286460/john-arcilla-namatayan-ng-10-mahal-sa-buhay-sa-loob-ng-1-taon-ngayong-panahon-ng-pandemya

Read more...